top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Todo-tago pero obyus sa hugot, Chiz… HEART, NAGPIPINTA TUWING PROBLEMADO

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 24, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 24, 2022



Marami ang ayaw maniwala na walang pinagdaraanan ngayon ang pagsasama nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero, lalo na't sa mga latest posts ni Heart sa social media ay may pahiwatig at hugot siya tungkol sa isang babaeng nagkukubli ng kanyang kalungkutan.


Ayaw lang daw magsalita ni Heart tungkol sa kanyang personal na problema pero the mere fact na abala siya ngayon sa pagpipinta ng kanyang latest toy collections na limited lang ang edition, may “something” na gusto niyang itago sa publiko.


Isang malapit na kaibigan ni Heart ang nagbuking na kapag problemado ang aktres ay ibinubuhos niya sa pagpipinta ang kanyang oras upang pansamantalang makalimutan ang anumang gumugulo sa kanyang isipan. At least, productive siya at kumikita pa sa kanyang pagpipinta.

Muling binalikan ni Heart ang pagpe-paint ng mga designer bags. Si Jinkee Pacquiao ang bago niyang client ngayon. Isa sa mga mamahaling Hermes bags niya ang ipina-paint niya kay Heart.


Kaya, lalong tumaas ang value ng Hermes bag ni Jinkee dahil may painting ni Heart Evangelista.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page