Todo-tago pa, wala ring lusot, Sharon…

Updated: Jan 9, 2021
KC AT APL.DE.AP, BUKING NA MAGKASAMANG NAG-NEW YEAR SA PALAWAN
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | January 5, 2021

Samantala, kung very open sina Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey sa kanilang relasyon, mukhang "secret relationship" naman ang namamagitan kina KC Concepcion at Apl.de.Ap ng Blackeyed Peas.
May tsikang kumakalat ngayon na magkasamang nag-celebrate ng New Year sa El Nido, Palawan ang panganay na anak ni Megastar Sharon Cuneta at ang sikat na international singer na si Apl.de.Ap.
May isang fan kasi ang nagpa-selfie kina KC at Apl nang magkahiwalay, pero makikitang sa iisang location lang sa Palawan kuha ang dalawang larawan.
Kaya naman, marami ang nagdududa na magkasama talaga sina KC at Apl sa El Nido pero itinatago lang nila kaya hindi sila nagpapakuha ng picture na magkasama.
May sitsit ding nakarating sa amin na binilinan daw nina KC at Apl ang mga kasama nila sa El Nido na 'wag silang kukunan ng picture na magkasama.
Kaya ang tanong ngayon, sila na nga ba? Kung magkaibigan lang kasi sila tulad ng unang sinabi noon ni KC, bakit kailangan pang ilihim na kasama niya si Apl.de.Ap sa Palawan?
Pero kung sakaling nagkakamabutihan naman sila, wala kaming nakikitang masama dahil pareho silang single at age doesn’t matter naman kahit 10 yrs. ang age gap nila — 35 si KC, 45 naman si Apl.de.Ap.
So, abangan na lang natin ang pag-amin ng sinuman sa dalawa… kung aamin nga!
Pero mas maganda siguro kung si Apl.de.Ap ang unang aamin sa tunay na relasyon nila ni KC.
At siguro naman, hindi siya tututulan ni Megastar para maging manugang dahil kilala naman siya ni Sharon.
So, 'yun na!





Comments