Todo-tago pa rin… BEA, NAKI-B-DAY SA NANAY NI DOMINIC PERO 'DI NAG-JOIN SA FAMILY PICTURE
- BULGAR

- Jan 27, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | January 27, 2021

May nabasa kaming naki-birthday daw si Bea Alonzo sa mother ni Dominic Roque. Ito yata ‘yung picture ni Dominic with his family and posted by the actor’s sibling kung saan naroon daw si Bea, pero hindi ito sumama sa picture taking.
Nasa tabi lang si Bea habang kinukunan ng litrato si Dominic at ang pamilya nito, pero nahagip ang left side nito. ‘Yun nga lang, parte lang ng mahabang buhok ng aktres ang nakunan. Pero, sigurado ang mga netizens na si Bea ‘yun.
And speaking of Bea and Dominic, nabuking na “Nic” ang tawag ng aktres sa aktor sa vlog niya kung saan kasama niya si Enchong Dee. May binanggit si Bea na “Nic” na nang tanungin ni Enchong kung sinong “Nic,” hindi muna sinagot ni Bea at secret daw.
Later on, inamin din ni Bea na ang tinawag niyang Nic ay walang iba kundi si Dominic. Natawa na lang si Enchong, pero hindi na kinulit si Bea. Pero kung napanood ninyo ang vlog ni Bea, baka kinulit ni Enchong ang kaibigan.





Comments