Todo-suporta kay BBM… NETIZEN KAY LUCY: 'WAG MO NANG GAMITIN SI LORD PARA I-PROMOTE ANG MANOK MO
ni Nitz Miralles - @Bida |February 03, 2022

Ang mag-asawang sina Congw. Lucy Torres-Gomez at Ormoc City Mayor Richard Gomez naman ang ipinapa-cancel ng mga supporters ng ibang presidentiables dahil ipinahayag ng mag-asawa na si Bongbong Marcos ang kanilang susuportahan sa darating na eleksiyon.
Napansin lang namin na mas marami ang hate comments sa Instagram ni Lucy kesa sa IG ni Richard, pero hindi naman siguro sa iniiwasan nilang sagutin sila ni Goma o i-delete ang comment nila. In fairness, hindi nagde-delete ng comment sina Lucy at Richard, everybody is welcome to comment.
Bukod sa hate comments, may mga nag-unfollow kina Lucy at Richard. May comment na tinuturuan si Lucy to learn the country’s history and to educate herself. May nag-comment namang ang choice nila ni Richard reflects their values. May nag-utos pa kay Lucy to stop using the Lord to justify her political stand.
Makakapag-isip ka tuloy kung wala na bang karapatan ang tao na pumili kung sino ang kanyang iboboto at kailangang sumunod sa gusto ng iba?
Anyway, nakahanda naman yata sina Richard at Lucy sa magiging resulta at epekto ng pagsuporta nila kay Bongbong. Wala pa namang nagre-react sa mga friends at kakilala ni Richard sa showbiz, pero siguradong may magre-react.





Comments