top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Todo-sorry na na-hurt daw niya si Liza… OGIE: SINASABI KO LANG KUNG ANO 'YUNG ALAM KONG TOTOO

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 14, 2023
2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 14, 2023




Napanood ni Ogie Diaz ang cliffhanger last Friday ng Fast Talk with Boy Abunda kung saan ay tinanong ng host na si Boy Abunda ang dati niyang alaga na si Liza Soberano kung may tampo ba ito sa kanya.


Kagabi (Monday) pa lang napanood ang sagot ni Liza dahil part 2 na ito bale ng exclusive interview ni Kuya Boy sa aktres.


Sa vlog ni Ogie na in-upload niya kahapon nang hapon, siyempre ay hindi pa alam ng talent manager ang sagot ni Liza pero sa tingin daw niya, may tampo ang kanyang dating alaga sa kanya.


“Feeling ko, sa tono ng pananalita ni Liza, may himig siya ng hinampo sa akin. Pero ako, wala.


Galit, tampo, wala,” sabi ni Ogie.


Kung nagtatampo raw si Liza dahil nagsasalita rin siya ng kanyang opinyon sa issue at na-offend niya ito ay humihingi siya ng sorry.


“Kung kilala ko ‘yung bata, may anggulo siya na parang malungkot. Sorry, anak, kung in any way na-offend kita, or feeling mo, kinalaban kita or feeling mo, kinokontra kita.


“Kasi, wala akong matandaan na kinontra kita kundi sinasabi ko lang kung ano ‘yung sa alam ko ‘yung totoo,” pahayag ni Ogie.


Siya naman daw ay hinding-hindi na-offend sa mga sinabi ni Liza dahil sarili nitong opinyon at mindset ang mga sinabi nito.


“Mas nalulungkot ako kaysa nao-offend ako. Nalulungkot ako sa nangyayari kung bakit kailangang mangyari ito. Kung bakit kailangan mong ihayag ang damdamin mo, at kailangan ko rin namang ihayag ang damdamin ko sa issue kasi napaparatangan din ako,” sey ni Ogie.


Wala raw siyang hangad kundi ang magtagumpay si Liza sa bagong daan na tinatahak nito ngayon at sana raw ay matigil na rin ang pamba-bash sa aktres dahil bilang tatay-tatayan ay nasasaktan din daw siya para kay Liza.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page