top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Todo-sipsip lang ang mga City Mayors kay Mayor Sara?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 15, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | December 15, 2021



NAGPAHAYAG ng suporta ang may siyam na city mayors ng Metro Manila kay Inday Sara.


May nagtatanong: Ano ba ang naibiyaya ni Inday sa mga naturang siyudad?


◘◘◘


DUMALO sa papulong sina Mayors Edwin Olivarez ng Parañaque; Oscar Malapitan ng Caloocan City at Francisco Javier Zamora ng San Juan.


Dumating din sina Tobias Tiangco ng Navotas; Marcelino Teodoro ng Marikina City; Rexlon Gatchalian ng Valenzuela City; Imelda Calixto-Rubiano ng Pasay City; Carmelita Abalos ng Mandaluyong City at Mar-Len Abigail Binay ng Makati City.


◘◘◘


PERO, ano ba ang nagawa ni Inday sa kanilang mga siyudad?


Sumisipsip lang kaya ang mga ito o may mga hinihintay?


He-he-he!


◘◘◘


MISTULANG nawalan ng saysay ang mga batas na itinaguyod ni Senate President Vicente “Tito” Sotto na nabibiyaan ang mga naturang lungsod.


Sa totoo lang, si Sotto ang nagsulong ng cityhood ng Makati, Mandaluyong, Pasay, Marikina, San Juan, Navotas, Valenzuela at Parañaque.


◘◘◘


HINDI kaya nakakahalata si Inday na nagsisipsip lang sa kanyang palda ang mga nabanggit na city mayor?


Kumbaga, matapos ang COVID-19, may pandemya naman ngayon ng mga oportunistang lider ng pamahalaan.


◘◘◘


HINDI maawat ang mga tao sa pagpapalitan ng kuro-kuro kaugnay sa kampanyahan sa 2022.

Kani-kanya silang manok.


Okay lang, ‘yan basta hindi mauuwi sa patayan.


◘◘◘


WALA pa ring linaw kung aatras o tutuloy sa kandidatura si Sen. Bong Go.


Patuloy kasi ang pagkakabit ng mga dambuhalang tarpaulin na may nakamarka: Go Bong Go, Ang Presidente ko”.


He-he-he!


◘◘◘


HULING nadagdag sa senatorial race si dating PNP chief Guillermo Eleazar.


Kahit paano ay nakasingit siya sa deadline sa pagsusumite ng COC — nang oras-de-peligro na.


◘◘◘


HUMABOL sa biyaheng Bicol si Eleazar nang magretiro noong Oktubre 13 at nanumpa sa Partido Reporma upang magamit ang probisyon sa substitution bago mag-deadline.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page