Todo-rampa sa mga fashion show abroad… NETIZENS KAY ARCI: GAYA-GAYA KA LANG KAY HEART
- BULGAR

- Mar 24, 2022
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 24, 2022

After New York Fashion Week, heto at rarampa na naman si Arci Muñoz sa LA Fashion Week.
Ipinost ng Kapamilya actress sa kanyang Instagram account ang screengrab photo niya habang naglalakad sa runway for LAFW.
Nilagyan niya ito ng caption na addressed to her mom: "Ma! Look! Your daughter opening #LAFashionWeek in a Kenneth Barlis [dress]."
Prior sa second fashion week stint ni Arci, kamakailan lang ay in-introduce siya bilang cover girl ng Now, ang LA-based magazine, for the month of March.
Ilang buwan na ring nasa Amerika ang Kapamilya actress at feeling namin, mukhang i-invade niya ang Western country.
So far, habang wala pang right project sa dalagang aktres at loveless din naman siya as of the moment, bakit nga ba hindi niya kunin ang pagkakataon kung may mga offers na dumarating kahit siya ay nasa malayong bansa?
Sabi nga ng isa niyang follower sa IG, "Gogogo AM when the iron is hot."
Isang intrigera naman ang nagsabing, "Ginagaya lang naman niya si Heart Evangelista, pero wala pa rin siya sa tinamong kasikatan ni Heart pagdating sa mga sikat na fashion designers at Paris pa 'yun, ha? Ang legendary fashion country ng bansa."
Naku, bakit kaya may mga taong hindi masaya sa mga natutupad na pangarap ng iba?





Comments