top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Todo-raket, pero libre raw… RUFA MAE, JOIN KAY BBM, KASAMA RIN SA RALLY NI PACQUIAO

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 5, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 5, 2022




“Lagarista” ang tawag ngayon ng mga netizens sa sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto dahil nakikita siya sa rally ng ilang presidentiables.


Hindi pala siya solid na BBM supporter, kinukuha lang si RMQ upang magpasaya sa rally ng BBM-Sara UniTeam.


Recently ay namataan si Rufa Mae sa grand rally ni Sen. Manny Pacquiao sa Dumaguete.


Kasama niya sa nasabing rally sina Ruffa Gutierrez at Jovit Baldivino. Alam ng lahat na close si Annabelle Rama kina Jinkee at Sen. Manny Pacquiao, kaya nasa rally si Ruffa.


Samantala, ang press release raw ni Rufa Mae, hindi siya binabayaran sa mga rally na kanyang pinupuntahan. Libre raw ang kanyang pag-appear sa mga rally ng presidentiables.


May maniniwala naman kaya? May libre pa ba ngayon sa panahon ng kampanya?


May ilang malalapit kay Rufa Mae ang nagsasabing hindi naman talaga magtatagal sa 'Pinas ang sexy comedienne. Rumaraket lang siya sa kampanya kaya siya umuwi. At depende na rin siguro kung may ibibigay na projects sa kanya ang GMA Network.


Matagal na niyang gustong balikan ang kanyang showbiz career. Hinintay lang niya na medyo lumaki ang kanyang unica hija at maalagaan ang anak bago balikan ang pag-aartista.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page