top of page

Todo-push sa career ng misis… MATTEO, MALA-STAGE MANAGER NI SARAH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 20
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | July 20, 2025



Photo: Matteo at Sarah G - IG



Kinumpirma na ni Popstar Princess Sarah Geronimo ang first collaboration niya sa recording with SB19 via Umaaligid sa kanyang social media accounts post kahapon.


Naka-post sa socmed (social media) accounts ni Sarah ang picture ng isang maliit na tape recorder at sa ilalim ng Umaaligid, nakasulat ang pangalan niya at ng SB19.


Nakalagay sa caption ng kanyang post ang ilang linya sa lyrics ng kanta.

Gaya ng naisulat namin kahapon, sa ibang recording label gagawin ni Sarah ang Umaaligid at hindi sa kanyang mother studio na Viva Entertainment.

Indeed, it might be the first big project ng itinayong independent recording label company ni Sarah at ng mister niya na si Matteo Guidicelli, ang G Music.


Ayon sa post ni Matteo sa X (dating Twitter), “Yes it’s finally here! This has been established in its perfect time. SG will start owning her own music and creating exciting things!”


After that, ini-repost din ni Matteo sa X ang post ng G Music sa kanilang socmed accounts ang pagpapa-trending ng art card ng Umaaligid (The Collaboration of the Year) kahapon.

Caption ni Matteo: “Big things coming your way.”


Tanong ng mga netizens kay Matteo sa kanyang post sa X, kung may movie rin na gagawin ang Umaaligid collab nina Sarah at SB19.


Say naman ng isang netizen, “I like the word ‘THINGS’. Hahahahhaha!”

Ibig sabihin, marami pang gagawin na proyekto si Sarah for her new recording label.


May nagtanong din kung kumalas na si Sarah sa kanyang dating record label at sa Viva Entertainment.


Reply ng isang fan ni Sarah, “I think under Viva pa rin s’ya, maybe this is only for her music.”

In fairness sa mag-asawa, ang dami-dami na nilang business na itinayo, ha? 

Siyempre, knows natin na si Matteo lahat ang nag-push para magtayo sila ng business ni Sarah.


Kulang na lang talaga, maging official manager na ni Sarah si Matteo. 

Pero malay natin, ‘di ba? Huwag lang maging stage manager-hubby si Matteo Guidicelli kay Sarah Geronimo in a bad way, of course.



SUCCESSFUL ang performance ng isa sa EBQ Music artists na si Keisha Luiz sa ginanap na Gerald Santos Gives Back (GSGB) concert sa Music Museum recently.

Kino-consider ni Keisha na ang GSGB ang first major concert na nakapag-perform siya.


“Yes po kasi I was with Mr. Gerald Santos po, eh,” nakangiting sabi ni Keisha. 

Aniya, “Sobrang matunog ang name n’ya. Kaya grateful and honored po ako, and to be together with the other talented artists of EBQ Music. Kaya sobrang grateful ko po ngayon.”


Ang natutunan daw nila sa pakikipag-collab kay Gerald, “Well, I can say po I’ve learned a lot about being a professional singer. Kasi ‘pag kasama n’yo po s’ya, talagang on a different level you’ll learn a lot as a beginner. And I’ve learned a lot about discipline as well as teamwork.”


Natutunan na rin ni Keisha kung paano mawala ang kanyang stage fright.

“I just enjoy the music lalo na ‘pag nand’yan na ang audience and hina-hype ka na n’ya. And, talagang naha-hype ka na rin. Nagiging confident ka kasi nae-enjoy mo ‘yung music,” lahad ni Keisha.


Keisha is only 16 years old at Grade 11 sa National University sa Ortigas.

“Actually po, I grew up in a music-oriented family lalo na po ‘yung ate ko na si Lindsay Bolaños. 


“And nu’ng 2022, I was very influenced by EBQ Production. They helped me pursue my singing career po.


“Actually, hindi ko po in-expect na I’ll be a singer. Pero they saw potential in me. So, I’m very grateful for that,” pahayag niya.

After Music Museum, pinaplano na ang big concert ng EBQ Music para sa kanilang mga artists.


“Sabi po nila, sa MOA Arena ang next,” sambit ni Keisha.

Dream ni Keisha na maka-collab si Kitchie Nadal.


Anyway, kinuha namin ang opinyon ni Keisha sa pahayag ni Asia’s Songbird na tapos na ang kanyang panahon sa showbiz. At panahon na raw ng mga bagong singers.


“Hindi pa po tapos ang panahon ni Ms. Regine because music is music, eh. It’s there until the end. Hindi po s’ya matatapos. And magkakaroon pa po kami ng many ways to express ourselves through music,” esplika ni Keisha.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page