Todo-push na mag-presidente ang manok sa 2028… VICE, ‘DI FEEL MAG-VP KAY LENI
- BULGAR

- 2 days ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 5, 2026

Photo: File / Vice Ganda sa interview
Malaki ang tiwala ni Vice Ganda na kakayanin ni Mayor Leni Robredo ang maging pangulo kapag tumakbo siya sa 2028 elections.
Nakikita raw nito ang sinseridad ni Leni Robredo sa kanyang pagiging public servant, at malaki ang tsansa niyang manalo kung tatanggapin niya ang hamon ng kanyang mga supporters.
Maraming showbiz celebrities ang handang tumulong at sumuporta sa kandidatura ni Mayor Leni. Maging si Vice Ganda ay nagsabing handa siyang magpaka-lalaki basta tumakbo lang si Leni Robredo sa pagka-pangulo. Nangako siya ng all-out support sa kandidatura nito.
Marami rin ang kumukumbinse kay Vice Ganda na tumakbo sa mataas na posisyon sa 2028 elections at mag-bise-presidente kay Leni, pero wala raw sa agenda niya ang pasukin ang pulitika. Masaya na siya sa pagiging comedian at sa pagpapasaya sa mga viewers ng It’s Showtime (IS).
After ng breakup nila ni Julia…
GERALD, IBA NA ANG LABS, ‘DI NA BABAE
Pahinga muna ngayon si Gerald Anderson sa kanyang love life matapos silang maghiwalay ni Julia Barretto. Nag-focus muna si Gerald sa pagtatayo ng isa pang private resort sa Zambales. Bale dalawa na ang kanyang resort na pinagkakakitaan.
Bihira na ring makita ang aktor sa mga showbiz happenings at wala na rin siyang post sa social media tungkol sa kanyang love life. Nangangahulugan lamang na wala pa siyang bagong girlfriend na ipinalit kay Julia.
Nahihilig ngayon sa basketball si Gerald at siya ang team captain/coach sa katatapos na celebrity basketball tournament na Bida sa Arena. Ang team nilang
The Th3rd Floor ang nanalo kaya tuwang-tuwa si Gerald at ang kanyang mga teammates na binubuo nina Richard Gutierrez, Jameson Blake, Marco Gallo, LA Nepomuceno, Mike Young, atbp..
Sa sports na lang ibinubuhos ni Gerald Anderson ang kanyang panahon. Mukhang napagod na rin ang kanyang puso sa pagiging chickboy at mas mature na rin ang kanyang pananaw sa buhay.
Malaking bahagi ng showbiz career ni Toni Gonzaga si Piolo Pascual. Kung hindi sa commercial ni Papa P. ay hindi sana siya madidiskubre.
Naka-ilang auditions na raw siya noon upang mabigyan ng break sa commercial at telebisyon. Hindi naging madali kay Toni ang kanyang pinagdaanan upang makapasok sa showbiz, pero hindi siya sumuko o pinanghinaan ng loob.
Naging sandalan niya ang kanyang Daddy Bonoy na matiyagang sumasama sa kanya kapag may audition.
Sa softdrink commercial ni Piolo Pascual ay nangailangan ng baguhang talent na maganda at funny girl. Maraming pinagpilian pero hindi swak sa requirement na maganda at funny girl. Hanggang sa sampu na lang daw silang natira sa audition. Kaya, nag-dialogue na huwag na raw humanap ng maganda, funny girl na lang.
Nang siya na ang sumalang ay swak na swak si Toni sa karakter na hinahanap para sa commercial.
Tumatak ang linya niyang “I love you, Piolo” at siya ang nakasama sa nasabing softdrinks commercial.
At that time, nasa height ng kanyang kasikatan si Piolo Pascual. Hindi inakala ni Toni Gonzaga na magiging leading lady siya ni Papa P sa kanyang mga pelikula. Hindi niya malilimutan na si Piolo Pascual ang naging dahilan upang siya ay mapansin at mabigyan ng break sa showbiz.




Comments