Todo-promote ng sugal… ZEINAB, MADASALIN DAW PERO KAMPON NI SATANAS
- BULGAR

- 2 days ago
- 4 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | July 22, 2026

Photo: IG _zeinab_harake
Binatikos ang vlogger na si Zeinab Harake dahil panay daw ang post ng Bible quotes, pero todo-promote naman ng sugal.
Pagkatapos kasi ng wedding nila ni Ray Parks, Jr., mas madalas magbahagi ng mga Bible quotes si Zeinab.
Araw-araw din daw siyang nagbabasa ng Bible, nagsisimba tuwing Linggo, at si Ray ang malaking impluwensiya sa kanyang faith journey.
Ilang buwan ang nakalipas, opisyal namang ipinakilala si Zeinab bilang pinakabagong endorser ng isang online gaming platform na lisensiyado at inire-regulate ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Kinondena ng isang netizen si Zeinab.
Sey nito, “Zeinab? Pick a side it’s either you’re full blown ‘Christian’ kuno o full blown promoter ni Satanas. ‘Di ako na-inform na puwede pala magbasa ng Bible at the same time mag-promote ng online gambling. Ano ba talaga? And all these people are amazed how Ray Parks influenced you by being godly/holy. My God! Ang daming utu-uto at ang dami mong nauto.”
Sey pa ng ibang mga netizens…
“Kaya pala sinasabi ng lolo ko, ‘Apo, mag-focus ka lang sa Diyos, ‘wag sa mga tao dahil ang mga tao, kahit na kilala ‘yan, ‘di ‘yan maka-Diyos at maraming mapanlinlang.’”
“Gets ko na never admired celebrities/influencers... Now I get it na mag-focus lang sa nakakataas. At the end of the day, mamamatay din naman tayo.”
“Kudos kay Lans, s’ya lang ang may sense na influencer.”
“Saka sa mga nagsasabi na walang masama sa ginagawa n’ya, ‘She has the right, buhay n’ya ‘yan. Nagpo-promote lang s’ya,’ still masama pa rin ang ginagawa n’ya na makakaapekto sa mga Pilipino.”
“Don’t look for integrity in an empty can. Obviously, faith is just an aesthetic for her. She’s definitely rebranding from ‘kanal’ to Christian. Kaya ‘wag na kayong magtaka at lalong ‘wag nang mag-expect. Lata na walang laman naman talaga s’ya ever since.”
“And who even spends P5M on teeth????? WTF (what the f*ck).”
“What a talentless woman. LOL (laugh out loud).”
"Pray muna bago mag-casino. Hahaha!”
“‘Pag inggit, pikit! Huh!”
Kaya dedma na kabit daw at todo-promote ng sugal… 51 M FOLLOWERS NI IVANA SA FB
Umabot na sa 51 million ang followers sa Facebook (FB) ng internet sensation na si Ivana Alawi, isang bagong milestone sa kanyang karera sa social media.
Ibinahagi niya sa kanyang Instagram (IG) Story ang pagbati mula sa kanyang management, na pumuri sa kanyang kabutihang-loob at pagiging inspirasyon sa milyun-milyong tao.
Ang caption, “Congratulations, Ivana Alawi. Nasa puso mo talaga ang pagtulong sa kapwa.
“Ang 50 milyong tagasunod sa Facebook ay isang kahanga-hangang milestone na nagpapatibay sa inyong pamumuno bilang pinakasinusubaybayang Facebook page sa Pilipinas.”
Si Ivana ay kilala sa paggamit ng kanyang platform upang tumulong sa mga biktima ng bagyo at lindol, pati na rin sa mga nagtitinda sa kalye at mga magsasaka.
Sa isang panayam, sinabi niya na ang pagtulong sa mga tao ang mahalaga, anuman ang sabihin ng mga kritiko na todo-promote siya ng sugal at kabit ng pulitiko.
“Ang iniisip ko ay ‘yung mga nagmamahal sa akin at kung paano ako makakatulong,” wika niya.
IVANA AT KARA, TIE SA BEST PUBLIC SERVICE HOST
FIRST time na nagbigay ng parangal ang award-giving body na Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) sa pamamagitan ng FAMAS Broadcast Arts Awards, na ginanap noong Hulyo 20 sa The Manila Hotel.
Malalaking parangal ang napanalunan ng ABS-CBN tulad ng sumusunod:
Best Variety Show – It’s Showtime (IS)
Best Host for Entertainment – Vice Ganda
Best Series (Long/Short Form) – FPJ’s Batang Quiapo (BQ)
Best Anthology – Maalaala Mo Kaya (MMK)
Best News Program – The World Tonight (ANC)
Humakot din ng mga parangal ang FPJ’s Batang Quiapo tulad ng Best Director for Series and Anthology at Best Screenplay for Series and Anthology para kay Coco Martin, at Best Supporting Performer for Series and Anthology para kay Joel Lamangan.
Ang iba pang mga nanalo ay ang sumusunod…
Best Performer for Series and Anthology – Kelvin Miranda (Encantadia)
Best Comedy Show – CongTV
Best Educational Show – Born to Be Wild (BTBW)
Best Show for Game, Reality and Competition – Family Feud (FF/GMA)
Best Entertainment Talk Show – Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA/GMA)
Best Lifestyle Show – Biyahe ni Drew (BND/GMA)
Para sa Balita at Radyo:
Best News Anchor – Korina Sanchez
Best AM Anchor – Papa Ahwel Paz (DZMM)
Best FM Radio DJ – Papa Jack
Best Radio Drama Show – Gabi ng Lagim (DZRH)
Best Podcast – Facts First
Best Podcast Host – Christian Esguerra
Para sa Public Service:
Best Public Service Show – Ivana Alawi
Best Host for Public Service – Ivana Alawi at Kara David (tie)
Sa acceptance speech ng TV host, actor/comedian, nagpasalamat si Vice Ganda sa ‘madlang people’ at sinabi niyang umaasa siyang patuloy na uunlad ang telebisyon at bagong media.
Samantala, ibinahagi naman ni Ivana Alawi na nagsimula lamang bilang katuwaan ang kanyang vlogging, ngunit kalaunan ay naging daan ito upang makatulong at makapagbigay-inspirasyon sa maraming tao.
Ang seremonyang ito ang pinakaunang FAMAS Broadcast Arts Awards na inilunsad ng FAMAS upang kilalanin ang kahusayan sa telebisyon, radyo, podcast, at digital media.





Comments