Todo-press release na magpapagamot abroad… KRIS, ‘DI PA RIN NAKAKAALIS NG ‘PINAS
ni Julie Bonifacio - @Winner | April 9, 2022

Naririto pa rin pala sa Pilipinas si Kris Aquino based sa picture na ipinost ng writer sa dati niyang talk show sa ABS-CBN na si Darla Sauler.
Dinalaw ni Darla si Kris sa valur (read: bahay) nito kasama ang executive producer din ng dating show ni Kris na si Jasmin Pallera.
Buong-ningning kasi na sinabi ni Kris nu’ng nagpunta siya sa rally ng team nina Leni at Kiko sa Tarlac na she’s supposed to go sa US para magpa-checkup right after ng appearance niya sa naturang event.
But it turned out na hindi pa rin siya umalis ng bansa. Unless matagal na rin siguro ‘yung pagbisita ni Darla at late lang nai-post.
Anyway, sa pagdating sa bahay ni Kris ng executive and staff ng show sa ABS-CBN, binibigyan naman ito ng ibang interpretasyon ng mga netizens.
Could it be raw na inalok si Kris ng bagong show ng ABS-CBN? Baka may nilulutong bagong show ang Kapamilya Network for Kris kaya inalam ang kanyang kalagayan.
Let’ see.





Comments