Todo-post sa problema nila ni Tom… NETIZENS KAY CARLA: SHUT UP!
ni Julie Bonifacio - @Winner | March 18, 2022

Two letters na “BS” (bullsh*t?) plus exclamation marks and angry emojis ang makahulugang post sa Instagram ng ina ni Carla Abellana na si Rea Reyes.
Agad namang nag-wan-plus-wan ang mga netizens na reaksiyon daw ito ng ina ni Carla pagkatapos bawiin ng kanyang ama na si Rey “PJ” Abellana na “one-night stand” ang isa sa maaaring dahilan diumano ng hiwalayan ng kanyang anak at mister nitong si Tom Rodriguez. At may mga netizens din ang sumang-ayon sa post ng ina ni Carla.
“Hay naku, I agree with the mother of Carla, BS talaga!”
“Naku, sige, galitin n'yo pa si mother, 'pag 'yan, nag-ispluk, tapos na ang laban!”
Ang iba naman, sinisisi rin si PJ sa pagsasalita sa publiko sa nangyayari kina Tom at Carla.
“An absentee father should not speak for his child. Kahit tanungin pa siya, he should have declined to answer. He hasn’t been around his child to get that right to comment.”
“I agree in part kasi kahit hindi siya absentee father, he still has no right to speak about his child's marital problems and so publicly at that!”
“Kahit naman magulang na ever present, dapat hindi nagkukuwento. It's not their story to tell. In a way, courtesy na lang sa anak nila na adult na. Support ang kailangan nina Carla, hindi chika.”
Meron ding nag-react against sa post ng ina ni Carla.
“Mother, bakit naman nakikisawsaw pa? Tahimik na lang sana. Ang to-toxic na nila.”
“She's just putting her child's father in place. Charotero kasi si pader, eh.”
Say pa ng iba, pareho na lang manahimik ang parents ni Carla since ‘di rin naman sila nagsasalita ni Tom in public.
“'Yan kasi, isinisiwalat online mga problema. Manong magsitahimik na lang or ayusin privately. Dami pang ek-ek ni Carla, 'pag pinagpiyestahan, pa-victim.”
“Carla and Tom don’t want to clarify the issue/s but Carla FLOODED us of cryptic messages and LIKING posts saying infidelity on Tom part including gay issues. Carla herself FAN THE FLAME regarding their separation issues.”
“Ang saya-saya naman ng pamilyang ito :) More please... teka lang... magsalang lang ako ulit ng isang bultong popcorn :) More family scandal please ;) ;) :)”
May unsolicited advice rin ang mga netizens kina Carla at Tom, ha?
“Dapat mag-usap na sina Carla and Tom, hindi na sila high school. Decided to separate, then the management makes an announcement. Hindi puro emosyon lang, madami nang madadamay. End this now, so you can move on with your careers.”
But still, may mga nagwi-wish din na magkaayos ang mag-asawa.
“Naku, sana magkaayos naman sina Tom at Carla. Sayang ang pinagsamahan both ng families nila. Mukhang mga nice people naman on both sides. Hayaan na sana 'yung mag-asawa ang mag-ayos ng problem.”
Buti pa nga sa maling presyo ng ibinebenta ni Carla na condo ay ang bilis niyang mag-post ng statement, ha?
Paliwanag ni Carla, 'di raw P2 M ang halaga ng ibinebenta niyang condo, bagkus, ito ang halaga ng nabawas from the original price.
Matagal na raw ang condo niya na binili noong 2015 as an investment. Never daw niyang tinirhan ang condo at wala ring nag-occupy na iba.
Sa huli, sinabi ni Carla, “Sana ay okey na po at na-gets n'yo na po. Tinagalog ko na rin po para mas maintindihan po.”
At dahil d’yan, umani ng pamba-bash si Carla sa socmed.
“Medyo condescending ang tita n'yo, 'no? 'Di nakakagaling 'yan ng estado sa buhay... just because you have a broken heart doesn't entitle you to be high and mighty, girl!”
“Awts Tita Carla, nag-aral din naman kami ng Ingles, hahaha!"
“Teh, talagang may attitude si Ate Carla. Puwede namang i-explain nang 'di ganyan. May pa-definition pa siya."
“Get off your high horse. OA sa pagka-feeling smarter than everyone else. You can correct people without resorting to condescension.”
'Yun na!





Comments