Todo-pasaklolo sa mga fans… ANDREA, ILANG BUWAN NANG BANNED SA TIKTOK
ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 22, 2022

May tweet si Andrea Brillante na parang nagpapasaklolo at nagtatanong sa kanyang mga followers sa Twitter kung bakit siya na-banned sa Tiktok.
Sabi ni Andrea sa tweet niya last Aug. 20, "Ba't parang ang laki-laki ng kasalanan ko sa TikTok? Ilang buwan na yata akong shadow banned, ano ba'ng ginawa ko sa 'yo (sad face emoji)."
Sagot ng isang follower niya, "Sumayaw ka kasi ng trend at mag-post, 'wag ka pasulput-sulpot lang. Ang daming nag-aabang sa 'yo, pati vlog mo, hinahanap ka ng viewers mo. Ano ka ba, galawin mo ang baso gaya ng dati."
"Ang dami mo raw kasing likers and viewers, hindi na nila kinakaya kaya for now, banned ka. Love you Blythe," birong sagot naman ng isa.
"Awayin mo ulit si Tiktok, Beh, haha! Choss!" comment pa kay Andrea.
Well, ano nga kaya ang real reason ng shadow banned na 'yan? May ganyan pala?! 'Kalokah, ah?!





Comments