Todo-pasaklolo sa korte… CARLO, 'DI PINADADALAW NG EX-GF SA ANAK
- BULGAR
- Sep 16, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | September 16, 2023

Binabatikos na naman si Carlo Aquino dahil nga sa pangyayaring nag-birthday ang anak nito, pero no show umano ang aktor sa party?
Ang rason, nasa isang event daw ito na inorganisa ng mga fans nila ni Charlie Dizon. In short, mas pinili umano ni Carlo na mag-spend ng oras kasama ang bagong GF at mga supporters nila kesa sa birthday ng anak.
Kaya sunud-sunod na naman ang pamba-bash sa aktor na noon pa man ay lagi nang kinukuwestiyon ang pagiging ama sa daughter nila ni Trina Candaza.
At dahil nga rito, may balitang mas naging aktibo si Carlo na dumalo sa mga hearing ng isinampa niyang visitation rights sa isang sala sa Quezon City.
Matagal na pala itong ipinaglalaban ng aktor dahil mukhang imposible na nga raw na maplantsa ang gusot nila ni Trina, na sinasabing hindi umano nito pinahihintulutan ang pagkakaroon ng visitation rights sa anak?
Hmmm...





Comments