Todo-papansin kay Dingdong, Marian… LAI, NIRESBAKAN, DUROG SA NETIZENS
ni Beth Gelena @Bulgary Files | February 11, 2023

Hindi pa rin tumitigil ang starlet influencer na si Lai Austria sa pagpi-flirt kay Dingdong Dantes.
May bago na naman siyang post kung saan ay kumakain siya ng "Ding Dong" na chichirya nang nakadapa at naka-p*kp*k shorts kaya naman kitang-kita ang kanyang kuyukot.
Ang caption niya: "Ang sarap mo," na ikinairita naman ng mga fans.
Komento ng mga netizens, "If you can't respect yourself. Respect his wife and their children."
Sey naman ng isa, "The design is very 'p*kp*k'."
"The design is very burikat, walang lalaking magtatangkang dalahin sa simbahan 'to.. pang-kama lang."
"Umayos ka, Lai... may pamilya 'yung tao… matuto ka sanang rumespeto… 'yung kabastusan mo, sana ilugar mo."
Isang netizen naman ang nagbigay ng payo kay Lai. Bakit hindi na lang daw niya gamitin ang kanyang ganda sa tamang paraan? Marami naman daw paraan para siya sumikat at hindi 'yung binabastos sa social media at nilalait.
'Di raw dapat na ipahiya ang kanyang sarili para sumikat.
Tama rin naman ang netizen. Kung may talent ang girl, mapapansin siya. Maganda rin naman siya.
"Stop humiliating yourself in public. You seem like an intelligent woman so use your brain and be a good influence in public. We will never know in the future. I hope that you'll not regret this bahaviour in the future. You're matured enough to what I'm pointing out," pagmamalasakit ng netizen sa aspiring actress.





Comments