Todo-pakiusap sa netizens... MAYMAY: PATAHIMIKIN N'YO NA PO ANG EX-BF KO
- ffernandoangela
- Apr 2, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | April 2, 2024

Nagsalita na ang aktres na si Maymay Entrata at inihirit sa social media platform na X na patahimikin na ng madla ang kanyang ex-boyfriend na si Aaron Haskell.
Matatandaang kinuyog ng netizens ang ex ng aktres matapos nitong magbahagi sa Instagram (IG) ng kanyang water baptism experience.
Sey kasi ni Maymay sa IG, "I’ve been a Christian since 2015, got lost when I entered the industry, was invited and attended favor church last 2019, took the wrong path again (2021) not until 2023, when I slowly came back to Him."
Inakala naman ng netizens na patungkol ito kay Aaron na matagal na nakarelasyon ni Maymay kaya agad na nilinaw ng aktres na hindi tungkol sa ex-boyfriend ang nasabing post.
"Hello po sa lahat, gusto ko lang po mag-explain nang konti about du’n sa last post ko sa IG, 'I took a wrong path again nu'ng 2021,' it was my past trauma po," paliwanag ni Maymay sa X.
"I was hurt and so I hurt other people even the people I love. I’m asking lang po sana to be kind especially po from my past relationship (Aaron). Do not take this against him. From the bottom of my heart, maraming salamat po," pakiusap pa nito.
Marami naman ang humanga sa katapangan ni Maymay na magsalita at pagsabihan ang madlang pipol para na rin sa ikatatahimik ng mga isyu tungkol sa kanyang dating relasyon.





Comments