Todo-pakita pa kuno ng flat na tiyan, Kylie… AJ, CONFIRMED NA BUNTIS KAY ALJUR
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | July 20, 2022

Kinumpirma na ni AJ Raval na buntis siya sa source ni Nanay Cristy Fermin, na kaagad namang ikinuwento ng huli sa YouTube channel nilang Showbiz Now Na kasama sina Romel Chika at Morly Alinio kahapon, Hulyo 19.
Matatandaang ilang beses nang nasulat sa iba’t ibang pahayagan at showbiz websites na buntis ang Vivamax sexy star, pero itinatanggi naman ito ng dalaga at naglalabas siya ng mga larawang super flat ang tiyan niya, na ayon naman sa mga ‘Marites’ ay lumang pictures ito ng anak ni Jeric Raval.
Sa madaling salita ay nililinlang niya ang publiko?
Nakaka-chat din namin ang manager ni AJ na si Jojo Veloso sa pamamagitan ng Facebook messenger at nang una namin itong tinanong ay sinabi niyang hindi totoo kasi nagsu-shooting ang dalaga ng Sitio Diablo, isang action movie for Vivamax na idinidirek ni Roman Perez, Jr.. At nang muli naming tanungin si Jojo ay nabanggit niyang nagsu-shooting ng Us and Her ang dalaga.
Going back to Nanay Cristy, aniya, “Totoo po, mga ka-chika, nagdadalantao po si AJ Raval!”
Si Aljur Abrenica ang ama ng ipinagbubuntis ni AJ.
Sa pagpapatuloy ni ‘Nay Cristy, “'Yung paninindigan tungkol sa pagkakaanak, alam ko, lalaking-lalaki si Aljur, kaya niya ‘yan, pananagutan niya ang kanilang produkto ni AJ.
"Ang nakakanerbiyos, baka mamaya, may magsulsol kay Kylie Padilla dahil hindi pa napapawalang-bisa ang kasal nila.”
Katwiran ni Romel ay hindi pa nga umaaming opisyal nang magkarelasyon sina Aljur at AJ ay heto at buntis na, kaya puwedeng kasuhan sila.
“Puwede, oo. At sa pagkakaso kay Aljur, damay si AJ Raval,” paniniguro ng batikang manunulat.
Say ni Romel, “Kaya super deny dapat ito."
“Walang nagsasalita sa magkabilang kampo. Tumigil na rin si AJ sa paglalabas ng mga larawan na flat na flat ang kanyang tiyan. Pero hindi po kasi makapagsisinungaling ang mga taong malapit sa kanila na aming source.
“Totoo po na nagdadalantao si AJ Raval kaya ‘yung pelikula niyang sinimulan, hindi na itinuloy. Naano lang ba ako na sayang ‘tong batang ‘to. Ang ganda ng entrada.
“Ang ganda ng mukha, sexy. Inaalala ko rin si Jeric (Raval), ang kanyang dakilang ama. Lagi kasing sinasabi ni Jeric, ‘Nakakaawa nga itong anak ko, eh. Bahay lang ‘yan, bahay-trabaho lang at kapag nasasaktan, iniiyak na lang niya. Hindi siya ‘yung basagulera.’
“Pero alam mo, nangyayari talaga kasi sa isang pamilya ang ganitong paghamon. Wala tayong magagawa talaga kung ang kapalaran ni AJ ay ang magdalantao nang wala sa panahon,” pagkukuwento ni ‘Nay Cristy.
Ayon naman kay Morly, “'Di ba, Ate Cristy, kahit may mga magagaling tayo… at kahit ang source natin ay talaga namang nagkukumpirma, pero para sa akin ay siya (AJ) mismo ang dapat na magsalita kung siya ay nagdadalantao.
“Umamin si AJ sa ating source na nagdadalantao siya,” sabi ni Nanay Cristy.
Payo ni Morly, “Pero sana, aminin din niya. Kung inamin niya sa ating source ay aminin din niya sa publiko para matapos na ang lahat.”
“'Pag ito itinuloy ni AJ Raval, na alam ko namang itutuloy ito, ay dadakilain siya dahil heto ang isang babae, kesa magkasala sa Diyos at sa publiko ay itutuloy niya ang pinasok niyang relasyon na ito na nagkaroon ng bunga,” pahayag ni Nanay Cristy.





Comments