top of page

Todo-pa-cute sa IG… YEN, DEDMA SA COMMENT NG NETIZENS ‘PAG SI CONG. ALBEE ANG TOPIC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 18 hours ago
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 9, 2025



Photo: Yen Santos at Albee Benitez - IG, FB


Kahit pa kaliwa’t kanan na ang mga intriga tungkol sa mga naging mistress diumano ni Cong. Albee Benitez, todo-chill pa rin ang aktres na si Yen Santos na isa sa mga na-link sa politician. Kaya naman, tulad ni Ivana Alawi na na-link din kay Cong. Albee, marami ang tumatawag sa kanya ngayon bilang ‘Unbothered Queen’.


Sa kanyang latest Instagram (IG) post, makikitang masaya lang si Yen ngayong bagong gupit siya at super pa-cute sa loob ng sasakyan. 


Mababasa ang mga reply ni Yen sa mga nagko-comment kapag pinupuri siyang maganda, pero halatang dedma siya kapag ang tungkol na sa pagkaka-link niya kay Cong. Albee ang comment.


Samantala, si Cong. Albee Benitez ay nagsalita na rin tungkol sa pagkakadawit ni Ivana Alawi bilang diumano'y kabit niya na kasama sa inihaing kaso ng misis niya. Well, through his legal counsel nga lang. 


Tinawag ng kanyang abogado ang reklamo laban sa kanya bilang ‘baseless and retaliatory’ o wala umanong sapat na basehan at paghihiganti lang daw.


Matatandaan na kumalat sa social media ang diumano’y kopya ng reklamo kaugnay sa paglabag sa Violence Against Women and Children (VAWC) Law o Republic Act No. 9262, na inihain ng misis ni Cong. Albee na si Dominique “Nikki” Lopez-Benitez.


MASAYA raw si Kris Aquino sa kanyang paninirahan sa tabing-dagat. Ito ang update na ibinigay ng kanyang best friend at confidante na si Dindo Balares sa kanyang recent Facebook post.


Ikinuwento ni Dindo na pinapunta siya ni Kris sa tinitirhan nito ngayon na isang private beach resort dahil ipinagluto niya raw ito ng request nitong mga ‘katutubong’ pagkain.


“SORRY PO sa mga nagtatanong kung saan ko pinuntahan si Kris Aquino. May NDA (non-disclosure agreement) po kami, at nagi-guilty ako ‘pag ‘di ko nasasagot, pati na ang mga personal questions,” simula ng dating tabloid entertainment editor.


“Pagpasensiyahan na po ninyo, or else masasabihan na naman n’ya ako na kung minsan, madaldal daw ako. Eh, talaga namang hindi lang minsan, always. Alam naman siyempre nating lahat kung bakit ‘di kailangang ilabas ang location.


“Gusto n’yang kumain ng mga nilulutong katutubong pagkain ng kanyang adopted tatay, kaya ako pinasunod. At para na rin ‘di na tawagan at chat lang ang mga kuwentuhan namin tungkol sa buhay-buhay,” tsika pa niya.


“Hayaan ninyo, isusulat ko paminsan-minsan ang mga usapan namin na may malungkot pero mas marami pa rin ang inspiring, nakakatuwa, at nakakatawa,” aniya pa.


Ani Dindo, kahit labis na nahihirapan si Kris sa kanyang karamdaman ay masaya naman daw ito ngayon.


“Ito ang isa sa napakaraming mga dahilan kung bakit mo mamahalin si Kris. Nahihirapan man sa mga karamdaman nang sobra-sobra na sinasarili na lang n’ya ‘pag masaya s’ya imposibleng hindi n’ya ibahagi sa iba.


“Happy si Krisy sa kanyang paninirahan sa tabing-dagat at sa mga sariwang pagkain,” pagbabahagi ni Dindo.



Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page