top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Todo na 'to! RUFA MAE, NA-SWINDLE NG P4 MILYON SA NEGOSYO

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 21, 2023
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 21, 2023




Sa dami na ng nakapanayam ni Mariel Rodriguez-Padilla sa kanyang YouTube channel, namumukod-tangi raw na si Rufa Mae Quinto ang gusto niyang maka-"drink or spill" interview dahil marami itong naibubuking na tiyak na pagtatawanan na lang nila pagkatapos.


Pareho kasi ng ugali sina Mariel at Rufa Mae na walang preno ang bibig kaya sabi ng una ay halos hindi siya makapasok sa daldal ng huli.


Naganap ang one-on-one interview sa Rebelle Beauty and Wellness na negosyo ni Rufa Mae sa Quezon City.


Ang unang drink ay Buzzballs, na iinumin kapag hindi nila nasagot ang tanong na inihanda ng staff.


“Cocktail siya with 15% alcohol, so, tamang-tama sa mga nanay nating minsan lang talagang (uminom),” sabi ng vlogger-host.


Iisa kasi ang manager nina Mariel at Rufa Mae, si Boy Abunda, at ang komento nga ng ilang staff ng Backroom, Inc., “Parehung-pareho sila, isang inglesera at isang Tagalog.”


Nagbalik-tanaw ang dalawa kung saan sila unang nagkakilala at nagkita, at susme, puro nakabibinging hiyawan muna dahil sa taas ng energy nilang magkuwento.


Gayunman, hindi sinagot ng magkaibigan kung ano'ng ayaw nilang pelikula o programang nagawa, kaya’t idinaan nila ito sa pag-inom ng watermelon smash with vodka na ikinaubo ni Booba, samantalang si Mariel ay nakaramdam ng init sa lalamunan.


Nang ang question ay "Sino'ng celebrity ang ayaw mong maka-work ulit?" ang naging sambit ni Mariel, “Dyusko, parang iinom ulit ako nito, ah.”


Sagot naman ni Rufa Mae, “In fairness to me, wala. Baka ako ang ayaw nila, hahaha! Charot!”

Sabay-dagdag ng, “Kasi lahat naman ng naka-work ko, masaya, eh.”


Sinang-ayunan ito ni Mariel, kaya hindi nauwi sa inuman ang tanong.


Pinaka-expensive naman na item na pagmamay-ari ni Rufa Mae ay malalaking diamonds, na ibinuking ni Mariel sa sinabing, “Kay Rufa Mae ako nakakita ng buo na diamond na may (korteng) puso!”


“Ito kasi ang una kong kinolekta, mga buo-buo. Alam mo bakit? Kasi nu'ng nag-uumpisa ako sa Ober da Bakod, lahat sila, naka-2 carats na ganyan (itinuro ang suot ni Mariel). Ang presyo pa, P150,000 o P350,000. Tapos, after two years, nagtanong ulit ako, P600,000 na raw. Ay, ganito pala ang diamond! Kaya magmula nu'n, bumili na ako,” paliwanag ng komedyana.

Inamin din ni Rufa na halos nasa P4 million daw ang nawala sa kanyang halaga dahil na-swindle siya o nagnegosyo na hindi na raw bumalik ang kapital. Kaya saad ni Rufa Mae, may risk talaga kapag pumasok sa negosyo.


Dagdag niyang wika, “Kaya dito na lang muna tayo sa showbiz.”


Ibinunyag din ni Ruffa na most embarrassing drunk moment niya raw ay nalasing siya sa isang ball at hindi alam — maski ng mga friends niya — na nawala ang kanyang bag kasama ang lisensiya at mahahalagang gamit niya.


Sinegundahan ito ni Mariel na present pala sa ball. Inihatid niya raw si Rufa Mae sa kuwarto ni Vina Morales at doon muna pinatulog ang komedyana.


Nang mapunta sa first kiss ang tanong, mas pinili ng dalawa na uminom dahil baka raw ma-dead sila, sabay apir at halakhak.


Nagtawanan naman ang dalawa sa tanong na "Ano'ng tsismis na itinanggi n'yo pero totoo naman talaga?" at pinagtuunan ng pansin ang flavor ng drink na Tequila-Rita.


Halos ‘di rin matapus-tapos ang halakhakan ng magkaibigan nang dumapo sa question na "Sino ang taong naka-work mo na pinakaplastik sa showbiz?"


Sinagot ito ni Rufa Mae ng, “Siyempre, marami!” na ikinatawa nang husto ni Mariel.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page