Todo-like sa piktyur ng aktres, pero… PAOLO, 'DI PA RIN MAAMING GF NA SI YEN

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 7, 2022

Pa-misteryoso effect ang rumored (?) celebrity couple na ito.
Ang tinutukoy namin ay sina Paolo Contis at Yen Santos na mula nang nagsama sa pelikulang A Far Away Land ay hindi na natapos ang isyu sa kanila dahil nga 'friends' lang daw sila.
Si Yen din umano ang naging dahilan kaya nagkahiwalay sina Paolo at LJ Reyes kung saan may isa silang anak.
Kamakailan naman ay kesyo binura na raw lahat ni Yen ang mga larawan ni Paolo sa kanyang Instagram account. Wala namang ibinigay na detalye ang aktres kaya in-assume ng mga netizens na hiwalay na ang 'friends only' couple na ito.
But the following day ay nakita nga ang dalawa na magkasama sa isang mall, if I am not mistaken.
This time, viral na naman sila dahil ni-like ni Paolo ang selfie photo ni Yen na ipinost sa social media gamit ang isang may Senyora na Facebook account.
Mabilis ang reaksiyon ni Paolo sa post ng social media influencer na si Senyora sa kanyang Facebook account.
Ibinahagi ni Senyora sa kanyang account ang screenshot na kuha sa Instagram post ni Yen kung saan parang bago ang hairstyle ng Kapamilya actress.
Naka-tag sa post ni Yen ang Instagram account na “@zero1story_,” isang beauty salon na matatagpuan sa Bonifacio Global City, Taguig City.
Mukhang kilala ni Senyora ang rumored celebrity couple, dahil nang makita ito ni Paolo sa kanyang FB account ay agad niyang ni-like ang photo ni Yen.
May panunudyo pa si Senyora sa rumored sweethearts, "Stay strong to my favorite best friends [heart, raised fist emojis]"
Agad na nag-reply si Paolo, "Salamat, bilis, ha!"
In-screenshot agad ni Senyora ang sagot ni Paolo at ipinost din niya sa kanyang FB last April 5.
Sagot niya sa sinabi ni Paolo, "Aba, siyempre naman! 'Yan ang pinagkakaabalahan ko sa IG. Baguio na ulit, sama me."
Matatandaang ang kuhang larawan nina Paolo at Yen na magkasama sa Baguio ang unang kumalat, dahilan para mag-isip ang marami na may relasyon sila.
Itinanggi naman ito ng aktor, may project lang daw silang A Far Away Land kaya sila nagkakasama.
Sa kanya rin galing na 'friends' lang sila ni Yen dahil napakabait ng Kapamilya actress.
Well, siguro ang peg na lang ni Paolo ay 'what you see is what you get,' basta hindi sila aamin na may something sa kanilang dalawa ni Yen.
Pak!





Comments