Todo-kayod para sa pamilya… SHUVEE, NAGREREKLAMO NA RAW SA SOBRANG PAGOD
- BULGAR
- 4 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 21, 2025

Photo: FB Shuvee Etrata
Hindi na raw kinakaya ni Shuvee Etrata ang sobrang hectic na schedule niya ngayon, kaya nagrereklamo na siya sa kawalan ng pahinga.
Dahil sa biglaan niyang pagsikat matapos lumabas sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition (PBBCCE), dumagsa ang mga offers at endorsements sa kanya. Todo-kayod si Shuvee sa mga mall tours at provincial shows, kaya halos wala na raw siyang pahinga na ang kapalit ay tagumpay na kanyang tinatamasa.
Ganunpaman, dapat daw ipagpasalamat ito ni Shuvee dahil nabibigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Kailangan niyang magsakripisyo para sa mga mahal niya sa buhay. Hindi lahat ay nabibigyan ng big break sa showbiz.
Maraming dating artista ang hindi nabibigyan ng malalaking endorsements. Siya lang ang bukod-tanging masuwerte na inalok ng mga malalaking produkto.
At dahil maraming nag-aabang sa kanyang pagbagsak, dapat ay panindigan ni Shuvee Etrata ang kanyang showbiz career. Marami na siyang pinagdaanang pagsubok, hindi siya dapat sumuko.
Naging matagumpay ang Season 1 ng House of D (HOD) sa YouTube (YT), ang talk show na binuo ni Dina Bonnevie kasama ang mga anak niyang sina Danica at Oyo Sotto, pati na rin ng mga manugang niyang sina Marc Pingris at Kristine Hermosa.
Maraming mahahalagang aspeto ng buhay ang kanilang tinatalakay, kaya nakaka-relate sa show ang maraming viewers.
First time na nag-share ng kani-kanilang experience sina Danica at Oyo bilang mga anak ni Dina, maging sina Kristine at Marc ay may naging partisipasyon sa talakayan, lalo na sa usapin ng pagpapalaki at pagdisiplina sa kanilang mga anak.
Positive ang feedback ng mga viewers sa Season 1 ng show kaya naging hamon para sa kanila kung ano pa ang maaaring ihandog nila sa Season 2.
May ilang nagre-request na ma-feature o makapag-guest sa HOD si Vic Sotto para sa isang kaswal na tsikahan.
Well, papayag kaya si Bossing? Hindi kaya siya mailang kung ang magiging topic ay tungkol sa kanilang dating pamilya? Si Pauleen Luna na ang bagong pamilya ngayon ni
Bossing.
Ayon naman kay Dina Bonnevie, open ang kanyang vlog para sa dating mister. At posible rin daw na kahit si Pasig City Mayor Vico Sotto ay maimbitahan bilang guest sa show.
MARAMI ang nagsasabing deserve nina Rodjun Cruz at Dasuri Choi ang tanghaling champion sa Stars on the Floor (SOTF) ng GMA-7.
Sa bawat episode ng nasabing dance show, nagpapakita sina Rodjun at Dasuri ng kakaibang energy sa interpretasyon ng kanilang sayaw.
Ramdam ang kanilang passion sa pagsasayaw, kaya napahanga nila ang mga hurado.
Inialay ni Rodjun ang kanyang tagumpay sa kanyang mag-ina at sa mahal niyang yumaong ina, na bata pa lamang siya ay nangangarap nang magtagumpay siya sa showbiz.
Kaya naman sa finale night ng SOTF, ibinuhos niya ang kanyang effort upang mabigyan ng buhay ang performance nila ni Dasuri.
Super-proud din kay Rodjun ang kanyang kapatid na si Rayver Cruz. Alam daw nito kung gaano ka-dedicated ang utol sa lahat ng ginagawa niya.
GRABENG effort ang ibinuhos ni Jake Cuenca sa kanyang karakter sa suspense-thriller series na What Lies Beneath (WLB).
Sampung buwan siyang nag-immersion kasama ang mga inmates sa isang kulungan, kaya naman sobrang pumayat at haggard na haggard ang hitsura niya.
Ang major cast ng serye na kasama ni Jake ay sina Kaila Estrada, Sue Ramirez, Janella Salvador, Charlie Dizon, JM de Guzman, at Jameson Blake. Ito ay mula sa direksiyon nina Dado Lumibao at Froy Allan Leonardo.
Samantala, marami rin ang nakapansin na medyo chubby ang hitsura ngayon ni JM kaya pinayuhan siyang magbawas ng timbang upang bumagay sa kanyang role. Pang-bida pa naman ang kanyang status, at tiyak na ayaw din niyang magmukhang tatay o tito ng mga kasamahang artista.
Comments