Todo-kayod daw siya… SHARON, IPINAGSIGAWAN SA KAMPANYA NA WALANG PERA SI SEN. KIKO
ni Julie Bonifacio - @Winner | March 8, 2022

Todo ang pagpapakita ni Megastar Sharon Cuneta ng kanyang suporta para sa mister na si Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan na tumatakbo bilang vice-president sa May, 2022 election.
Sa kanyang YouTube channel ay nakita namin ang effort ni Mega during the big campaign rally sa Iloilo City ng team nina Sen. Kiko at Vice-President Leni Robredo, who is running for president this coming election, kasama ang iba pang kandidato nila sa pagka-senador.
Sa naturang rally ay naatasan si Megastar na siyang magpapakilala sa kanyang mister na si Sen. Kiko sa stage.
Ang husay-husay ni Sharon magsalita when she was called na sa stage para ipakilala si Sen. Kiko. Daig na daig niya ang maraming pulitiko na magsalita on stage. Puwedeng-puwede talaga siyang maging politician.
Ang ganda rin ng sense of humor ni Mega. Part of her intro kay Sen. Kiko, sinabi ni Mega na walang pera ang kanyang asawa kaya siya ang nagtatrabaho.
“One of the very few people that I know who has a very pure heart. A heart to serve, who has what I hate the most which I also love the most the fact na wala siyang pera, dahil hindi siya nagnanakaw. Nu’ng 2021 senador 'yan, nagtatrabaho pa ako sa Ang Probinsyano. Kasi kailangan kong tapusin ang ipinapagawa naming bahay,” birong seryoso ni Sharon.
Nagkita rin sa naturang rally si Sharon at ang magkarelasyong sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.





Comments