top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Todo-iwas sa hiwalayan nila ni Carla… NETIZENS, BAWAL MAG-COMMENT SA IG POST NI TOM

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 28, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida |February 28, 2022




Naka-disable na ang comment box ng Instagram ni Tom Rodriguez mula February 18 hanggang ngayon, kaya wala nang makapag-comment sa kanyang mga posts. Hindi na rin mabasa ang comments ng kanyang mga followers na may kampi kay Tom at may kampi kay Carla Abellana.


Hindi na rin makapag-like si Carla sa mga comments kay Tom lalo na ‘yung not so

nice comments. Noong mga nakaraang araw kasi, nagkaroon ng liking spree si Carla at nila-like ang mga comments kahit against kay Tom.


Hati ang reaction ng mga fans dito at ang maka-Carla ay pabor sa kanyang ginawa at ang maka-Tom naman ay hindi, siyempre.


Pati ang pagpo-promote ni Tom sa movie nila ni Meg Imperial sa Vivamax na The Last Five Years ay apektado na rin. Walang makapagtanong sa kanya tungkol sa pelikula.


Hindi natin alam ang rason kung bakit dinisable ni Tom ang comment box ng IG niya.


Hihintayin lang siguro nitong matahimik ang isyu sa kanila ni Carla bago niya i-open uli ang comment box.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page