Todo-iwas magkuwento sa relasyon nila… BEA, NAGPAKITA NG RESIBO NA ‘DI BUNTIS KAY VINCENT
- BULGAR

- 1 hour ago
- 4 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 11, 2025

Photo: NUSTAR / Andrea, Krizia at Bea
Blooming si Bea Alonzo at kitang-kita sa mga mata nito na masaya talaga ang puso niya ngayon nang humarap siya sa press people sa launching nila ni Andrea Brillantes bilang Nustar Online ambassadors na ginanap last Friday sa Medusa at the Palace sa BGC.
Mala-Barbie doll ang tingin namin kay Bea lalo't mukhang pumayat na siya at wala ang traces ng sinasabing ‘baby bump’ niya kaya naisyu siyang buntis bago siya nag-celebrate ng kanyang 38th birthday last Oct. 17 kung saan binigyan nga siya ng advanced birthday party ng kanyang mga staff.
Proud na proud ding ipinakita ni Bea ang kanyang sexy body at umikut-ikot pa sa harap ng ilang reporters para ipakita ang resibo na hindi talaga siya buntis courtesy of her billionaire boyfriend na si Vincent Co of Puregold.
Sandaling nagpa-interview si Bea sa media to share some updates about her life. Christmas wish daw niya this year ay magkasama-sama silang pamilya na mag-celebrate ngayon dahil hindi ito nangyari last year.
Wala naman siyang ibang ikinuwento about her love life dahil ayaw daw niyang pinag-uusapan ito at maging public ang relasyon nila ni Vincent lalo't private person nga naman ito.
Pero gaano nga kaya katotoo ‘yung lumabas na balitang ikinasal na sila abroad ni Vincent?
Tinitigan kasi naming mabuti ang magagandang daliri ni Bea pero wala naman kaming nakitang suot nitong engagement o wedding ring.
Or, puwede rin namang hindi muna niya isinuot at iniwan lang sa bahay para iwas-isyu, ‘di kaya?
Sayang, hindi ito naitanong kay Bea dahil nagpauna na nga itong ayaw niyang pinag-uusapan ang love life niya.
Well, siguro naman, sa age at stature ni Bea, she's smart enough sa pakikipagrelasyon at ‘di naman siguro siya papayag na i-secret ang kasal nila kung totoo ngang ikinasal na sila, ‘no?
Jusko, para saan ang lahat ng paghihintay niya kay Mr. Right kung ‘di naman siya kayang ipagmalaki sa publiko, ‘di ba?
Bea knows what she deserves kaya ‘wag na natin siyang pangunahan.
Anyway, naabot na ang pinakabagong milestone ng Philippine Entertainment at lifestyle noong Nobyembre 7, 2025 nang opisyal na inihayag ng NUSTAR Online ang premier luxury digital entertainment platform nito sa isang eksklusibong press event na pinamagatang “The Stars Have Arrived: NUSTAR Online Press Launch” na ginanap nga sa Medusa at The Palace sa BGC.
Ang pagdiriwang na ito ay nagsilbing engrandeng pagpapakilala nito sa publiko—kumpleto sa world-class entertainment, industry partners, media, at ang pinakahihintay na opisyal na pagpapakilala sa dalawang powerhouse endorsers nito na sina Bea Alonzo at Andrea Brillantes.
Nagbukas ang gabi sa isang matapang na pahayag mula sa NUSTAR Online Director of Public Relations, Krizia Cortez, na nagtatakda ng tono para sa ambisyosong direksiyon ng brand:
“This is only the beginning. The platform we officially unveil tonight is just the first chapter of a grander story built on exclusive rewards, transformative collaborations, and innovation that will continue to shape the future of how Filipinos connect, play, and live.”
Nasaksihan ng mga bisita ang paglulunsad ng event sa pamamagitan ng NUSTAR Online: Exclusives, isang bagong lifestyle at entertainment magazine show na naka-stream sa official NUSTAR Online Facebook page, na pinangungunahan nina Anne De Mesa at Jercy Raine Cruz.
Itinataas ng NUSTAR Online ang bar para sa digital entertainment sa Pilipinas. Dala-dala nito ang sophistication of world-class leisure bilang isang modernong online na ecosystem: premium, seamless, at binuo na may global mindset.
After sa 2 anak kay Lian…
PAOLO, INAAYOS NA ANG RELASYON SA IBA PANG ANAK KAY LJ

HINDI na lang pala basta singer-aktres si Angeline Quinto, producer na rin siya ngayon at sa partnership nila ng kanyang talent management na KreativDen Entertainment, nakabuo sila ng drama-thriller film titled Ang Happy Homes ni Diane Hilario.
Kasabay ng selebrasyon ng kanyang 15th anniversary sa showbiz, naisip ni Angeline na para mapaiba naman sa nakasanayan niyang concerts, pelikula naman ang i-offer niya sa kanyang mga fans and supporters.
At hindi lang ito basta commercial film para kumita dahil ang advocacy ni Angge at ng kanyang co-producer ay makagawa ng project na mag-iiwan ng moral lesson sa manonood, tulad nga ng pagtutulungan sa kuwentong inikutan ng Ang Happy Homes ni Diane Hilario na nakatakdang ipalabas sa Dec. 3, 2025 sa mga sinehan nationwide mula sa direksiyon ni Marlon M. Rivera.
Malalaking artista ang kasama rito ni Angge tulad nina Eugene Domingo, Paolo Contis, Luis Alandy at Richard Yap.
Sa mediacon, naitanong namin kay Paolo kung ano ang “happy homes” para sa kanya lalo't recently ay nag-reunite na sila ng 2 anak niya kay Lian Paz.
Game namang sinagot ito ni Paolo na nagsabing hindi lang naman ang pagsasama-sama ng pamilya sa iisang bahay ang kahulugan ng “happy home”. Kahit daw magkakalayo basta nagmamahalan ay pamilya pa rin.
At aminado rin siyang masaya talaga siya sa reunion nila ng 2 anak at sa ngayon, inaayos din daw niya ang relasyon niya sa anak niya kay LJ Reyes, pero hindi na niya ito kailangang isapubliko pa.
Oh, well, good news ‘yan, Paolo!








Comments