Todo-inlab… ANDREA AT BASKETBOLISTANG BF, LANTARAN ANG HALIKAN AT YAKAPAN
- BULGAR

- 5 hours ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | January 31, 2026

Photo: Circulated / IG _francheskojuan
Kilig overload ang mga larawan ni Andrea Brillantes with her rumoured nna si Franchesko ‘Pankie’ Capistrano sa Instagram (IG).
Ibinahagi ni Pankie sa kanyang IG account ang sweet moments nila ni Andrea during a vacay sa isang resort na may waterfall.
Bukod kay Andrea, may mga kasama ring kaibigan si Pankie na nag-enjoy sa resort.
Caption ni Pankie, “Waterfalling for you.”
May pa-hugging and kissing sina Andrea at Pankie sa series of photos with matching background ng waterfall. Mabilis na nag-viral ang mga nakakakilig na photos.
Sey ng mga netizens:
“Sarap n’yong pagmasdan. In love na in love.”
“Cute nila together, bagay na bagay kayo ni Blythe, 100%.”
“Trentahin na ako pero kinikilig ako sa inyo.”
“Awww, loud and proud. Mahalin mo si Andeng just like we love her.”
“Ackkkkk! talaga, loud and proud.”
“Sa wakas, nag-post din. Love it.”
“It’s giving ‘The Look of Love.’”
“I can tell this is an endgame.”
“Luckiest man.”
Halatang miss na miss na ni Pankie si Andrea na nagsu-shoot sa Prague with Enrique Gil ng kanilang mystery-adventure series titled A Secret in Prague (ASIP).
With these pictures na naka-post sa socmed (social media), it’s a confirmation na may relasyon nga si Andrea Brillantes sa basketball player na si Pankie.
Puro hanger na lang ang natira…
BAZAAR NI KIM, 2 DAYS LANG, SOLD-OUT
WALA pang two days, sold-out agad ang mga damit ni Kim Chiu sa kanyang five-day Closet Bazaar. At take note, umabot ng isang milyong piso ang kinita ni Kim sa kanyang pa-event.
Reaksiyon ng mga faney ni Kim:
“So happy @prinsesachinita wala pang 2 days, parang 1 day and a half lang. Ganyan ang hatak, tatak-Kim Chiu. We all love you.”
“Grabe, Kim Chiu, sold-out. Fully din ang paldo double-saya!!!!”
“O to the M to the G (crying & shock emoji) sold-out again on Day 2! All proceeds are going to charity. Hands down to everyone who supported her dito sa bazaar—by noon, ubos na (clap & in love emoji).”
“GRABE, fastest sale ever! Congrats, Kimmy & team! (heart & fire emoji). Day 2: puro hanger na naman ang natira (laugh emoji).”
Kung may happy, meron ding nalungkot na mga faney ni Kim:
“Sana po, may limit ‘yung item. Saturday pa kami makakapunta (crying emoji).”
“I'm begging po sa mga nakabili ng maraming items, kahit isa lang po ang mabili ko, kahit ipadala na lang po at bayaran ko na lang po ‘yung magagastos, kahit isang item lang po, parang awa n’yo na (crying emojis). Gusto ko lang ng remembrance from Kim (praying emoji).”
“‘Yung pagpasok ko, wala na akong makita na kasya sa akin. Nagtiyaga talaga ako mag-antay at mag-ikut-ikot na baka meron pa. And yes, success naman ang person (in love emoji) @prinsesachinita.”
Ganyan ka-diehard ang mga fans ni Kim Chiu. Bongga!








Comments