Todo-I love you sa socmed, pero 'di nagpo-propose…SIGAW NG FANS: DOMINIC, PAKASALAN MO NA SI BEA
- BULGAR
- Nov 6, 2022
- 1 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | November 6, 2022

Inalala ni Bea Alonzo ang simula ng love story nila ni Dominic Roque when she posted sa kanyang Instagram yesterday a picture of her boyfriend taken from their trip sa Japan noong Nov. 3, 2019.
Natandaan talaga ni Bea ang araw na ‘yun, ‘di ba?
Nilinaw agad ni Bea sa caption ng kanyang IG post na hindi nila anniversary ang araw na ‘yun.
Caption ni Bea, “Not our anniversary, but that was the day we saw each other in a different light other than being platonic friends. We dated for more than a year after that.”
So, confirmed na ‘di pa sila mag-BF nu’ng nagpunta sila sa Japan. Pero special na raw kay Bea ang araw na ‘yun dahil that was the time na nakaramdam siya ng kilig for Dominic habang nasa train sila at nakatitig ang aktor sa kanya habang nagkukuwento siya rito ng dream movie niya.
"Parang nag-slowmo ang mundo at walang ibang tao kundi kaming dalawa lang. Cheers to more moments like that, hun @dominicroque I love you,” dagdag na kuwento pa niya.
Siyempre, may-I-comment si Dominic sa IG post ni Bea.
“ILY (red heart emoji),” post ni Dominic na nawala na sa comment-section sa same day na nag-post si Bea.
So, ‘lam na ang term of endearment nina Dominic at Bea, ha?
Anyway, nagpahayag naman ng pagkainip ang mga fans/followers ni Bea kung kailan ang marriage proposal sa kanya ni Dominic.
At duda ng ibang netizens, beke nemen nag-propose na si Dominic kay Bea, 'di pa lang inaamin ng dalawa.
“Waiting na rin po na mag-propose ka to Ms. Bea."
“Feeling ko, may secret proposals.”
“Sana nga.”
Well…





Comments