Todo-hugot sa socmed.. CARLA, HURT PA RIN SA HIWALAYAN NILA NI TOM
ni Nitz Miralles @Bida | July 14, 2023

Kabilang si Carla Abellana sa mga umalma sa ginawa ng isang security guard ng SM North EDSA na inihagis ang tutang si Lucky sa footbridge na naging dahilan ng pagkamatay nito.
Inalis na sa SM ang naturang security guard at hindi na puwedeng magtrabaho sa alinmang SM Malls at kinol-out na rin ang agency na kinabibilangan ng security guard.
Dahil sa animal welfare act ay tiyak na makukulong ang naturang security guard at idedemanda na rin siya ng PAWS (Philippine Animal Welfare Society).

Samantala, nalungkot ang mga nakabasa sa ini-repost ni Carla galing kay Alex Elle na “The older I get, the more I realize that time doesn’t heal all wounds. There will be things in life that will always hurt or be tender. I am releasing the idea that I must get over things to find happiness. I can be happy and still have something in my life that hurts.”
Napa-“Amen, sister” si Max Collins at karamihan sa mga nabasa naming comments ay sinasabing nasasaktan pa rin si Carla sa nangyari sa kanila ni Tom Rodriguez.
Ang gaganda ng mga comments ng mga followers ni Carla gaya ng sinabi ng isang netizen na…
“Someday, somebody will come to your life unexpectedly and will not just love you but give importance to your being.”





Comments