Todo-explain sa kumalat na binabanatan ang pangulo… WILLIE, TAKOT MURAHIN NI P-DUTERTE

Julie Bonifacio - @Winner | November 26, 2020

Nilinaw ng TV host na si Willie Revillame na wala siyang sinabing masama laban kay President Rodrigo Duterte gaya ng lumabas na post sa Facebook kamakailan.
Claim ni Willie, fake o 'di totoo ang kumalat sa social media na diumano ay statement niya.
Ang naturang statement ay naglalahad na tila pinapagalitan niya si Pres. Duterte sa isyu ng ginagawa niyang pagtulong sa mga kababayan natin na labis na naapektuhan ng bagyong Ulysses.
Nakasaad sa "fake statement" daw ni Willie, "Mr. Duterte, aanhin mo ang magandang kotse at jetplane kung marami kang kababayang naghihirap na nalunod sa baha. Ibenta mo na ang hindi kailangan. I think it's the right time."
"Wala po akong sinasabing ganyan. Kung sino ka man, ipinapahanap ka na namin. Wala kayong ginawa kundi manira ng kapwa n'yo," babala ni Willie sa gumawa ng pekeng Facebook post.
Ipinag-aalala pa ni Willie na baka magalit sa kanya si Pres. Duterte at murahin daw siya sa kumalat na diumano'y fake statement ng Kapuso TV host.
“'Wag ho kayong maniniwala rito," panawagan ni Willie.
"Ito pa ba ang panahon para manira kayo ng kapwa n'yo? Nagkakagulo na nga, may pandemya na, may bagyo. Tigilan n'yo na 'yan. Kung wala kayong magawa, pumikit kayo at magdasal kayo," diin pa niya.





Comments