Todo-enjoy kasama si Jennylyn at mga anak… DENNIS, PAHINGA SA BANAT KAY PATRICK, NAG-FAMILY DAY MUNA

ni Julie Bonifacio @Winner | October 5, 2026

Photo: IG _dennis trillo & YT Ogie Diaz Inspires
Nagpahinga si Dennis Trillo kahapon sa mga banat niya kay Patrick Garcia at sa iba pang nakikisawsaw sa isyu nina Patrick at Jennylyn Mercado.
Nag-post ang aktor ng picture nila ni Jennylyn habang kumakain sa isang restaurant kahapon (Linggo) kasama ang mga anak nilang sina Calix, Jazz at Dylan.
Caption ni Dennis: “Sunday is Family Day.”
Nanibago ang mga netizens sa ‘pa-tweetums’ na caption ni Dennis sa kanyang Facebook (FB) post. Ilang araw din kasi na panay ang patutsada niya sa social media, kaya tila nahirati na ang mga netizens sa mga banat ng Kapuso actor sa Kapamilya actor. Hinahanap-hanap na nila ito.
Sey ng mga netizens:
“Wala bang banat for today? Nanghihina kami, Dennis. Hahaha!”
“Pahinga na muna.”
“Magnilay-nilay daw muna, bukas na uli babanat. Hahaha! Bless this family.”
“Family day muna, sa Lunes na ang banat (laughing emoji).”
“Family day muna… bukas na lang ulit mang-inis sa kanila (smile emoji).”
Naaliw naman ang ibang netizens sa mga moniker na tawag kina Patrick at Gelli de Belen, na nadamay din sa isyu matapos mag-comment na tila hindi nagustuhan ni Dennis.
Komento ng mga netizens:
“Peste pa naman ang Gellifish ‘pag summer. Masakit ‘pag nadikitan ka. Dumikit na lang s’ya kay Patrick, the starfish (laughing emoji).”
“Hahaha! Napag-connect ko! Oo nga pala kaya, ‘Hey, Patrick! Where’s Dora?’ Ay, mali!”
“Natawa talaga ako sa gellifish at starfish. Hahaha! Tama naman.”
“Hahaha! Puro pala sila sea creature. Starfish and GelliFish (laughing emoji).”
Korek!
KINANTA ng SB19 ang pinakabagong theme song na inilabas ng Department of Tourism (DOT).
Bilang mga opisyal na Tourism Ambassadors ng Pilipinas, ang tinaguriang Kings of P-Pop na SB19 ang nagbigay-buhay sa Together in Motion.
Ito ang opisyal na tema at kanta para sa gaganaping Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit 2026 kung saan ang Pilipinas ang tumatayong host country.
“Navigating Our Future, Together” ang theme ngayong taon ng ASEAN Summit.
Si Anya Lagman ang sumulat ng kanta at inayos (arranged) nina Jimmy Antiporda at Louie Ocampo.





Comments