Todo-enjoy… HEART, NAKIPAGPALIT NG BRACELET SA FAN SA CONCERT NI TAYLOR SWIFT
- BULGAR
- Mar 12, 2024
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 12, 2024

Kahit sobrang busy ni Heart Evangelista sa kaliwa’t kanang schedules at engagements, may free time naman din pala siya para sumaya at manood ng concert.
Ipinost ng fashion icon ang panonood niya ng Eras Tour ni Taylor Swift sa Singapore with husband Sen. Chiz Escudero at makikitang enjoy na enjoy sila.
Isa sa mga larawang ibinahagi niya sa Instagram Story ay makikitang nasa loob siya ng Singapore National Stadium kung saan ginanap ang Eras Tour.
Caption ni Heart: "I shall sleep with a smile. Dream come true."
Nag-post din siya ng larawan na suot ang mga friendship bracelets na isa sa “must” kung ikaw ay isang Swiftie.
May ini-repost din siya na isang video kung saan ay makikitang nakikipagpalit siya ng friendship bracelets sa isang fan ni Taylor.
Anyway, hindi lang si Heart ang celebrity na dumayo sa SG (Singapore) para manood ng Eras Tour. Spotted din doon ang magdyowang Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, magkapatid na Toni Gonzaga at Alex Gonzaga kasama ang kani-kanilang asawa na sina Paul Soriano at Mikee Morada, mag-asawang Robin Padilla and Mariel Rodriguez kasama si Kylie Padilla and Dra. Vicki Belo with husband Hayden Kho and daughter Scarlet Snow at marami pang iba.
Comments