top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Todo-emote noon na sa Paris na titira… HEART, 'DI NATIIS SI CHIZ, BINALIKAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 3, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Febuary 3, 2023




Inulan ng tukso ng mga kapwa niya senador si Sen. Chiz Escudero dahil masaya na ang aura niya ngayon at laging nakangiti. Dati-rati ay laging seryoso si Sen. Escudero at hindi gaanong kumikibo.


Kaya naman natuwa ang kanyang mga kaibigang senador nang makita nilang ngumingiti na ito kapag may session sa Senado. Nangangahulugan lang na naayos na nila ng kanyang wifey na si Heart Evangelista ang kanilang marital problem.


Matagal ding naging usap-usapan sa showbiz ang balitang naghiwalay na sina Heart at Chiz at maninirahan na sa Paris, France ang Kapuso actress.


Sa panahong 'yun ay mas pinili ni Sen. Chiz ang manahimik at 'wag nang sagutin ang mga isyu sa kanila ni Heart. Hinayaan na lang niya na si Heart ang nag-emote sa social media.


Sa bandang huli, si Heart na rin mismo ang nagsabing uuwi na ng 'Pinas at babalik na sa piling ni Sen. Chiz. Kung may tampuhan at LQ na nangyari sa kanila, naayos na nila ito at hindi na maghihiwalay tulad ng mga naunang balita na pinagpiyestahan ng lahat.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page