Todo-effort dahil ang galing daw ng aktor… BEA, KINAKABAHAN KAY ALDEN
ni Nitz Miralles - @Bida | March 6, 2022

Officially announced na sa 24-Oras last Friday na ang Philippine adaptation ng hit Korean drama na Start-Up ang pagtatambalan nina Bea Alonzo at Alden Richards. May interview din ang dalawa at looking forward na sila sa una nilang pagsasamahan.
Nabanggit ni Alden na hindi niya in-expect na makakatrabaho ang idol niya dahil inaamin naman nito na fan siya nina Bea at John Lloyd Cruz at lahat ng pelikula ng dalawa ay kanyang napanood.
“Hindi ako makapaniwala na makakatrabaho ko siya at kailangan kong galingan dahil mahusay siyang aktres. Noong workshop nga namin, napansin ko na kahit small details, hindi niya pinalalampas,” patungkol ni Alden kay Bea.
For her part, sabi ni Bea, kailangang galingan niya.
“I know Alden as a better actor at kinakabahan ako na makasama siya. I have to be on my toes dahil magaling siya,” ayon kay Bea.
Nabanggit din ni Bea na even before she signed with GMA, ang Start-Up na ang pini-pitch na project sa kanya at isa ito sa mga rason kung bakit siya pumirma ng kontrata sa Kapuso Network.
Si Alden naman, napanood ang Start-Up at excited siyang gawin ito, lalo’t first Korean drama project niya ito. “Masarap ang feeling,” sabi ni Alden.
Hindi pa inia-announce ang ibang kasama sa cast nina Bea at Alden at ang nabanggit pa lang ay sina Yasmien Kurdi at Jeric Gonzales na kailangan pa rin ng formal announcement.
Pati pala ang director, hindi pa inia-announce, pero may lumabas na balita na si Jerry Lopez Sineneng ang magdidirek.





Comments