top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Todo-displey sa socmed, pero… ZANJOE, TODO-IWAS PAG-USAPAN ANG RELASYON NILA NI RIA

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 19, 2023
2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 19, 2023



Last two weeks na ng tinawag na "mata-mata acting" serye ng ABS-CBN, ang Dirty Linen na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo kasama ang magagaling na artista ng industriya sa pangunguna nina Ms. Tessie Tomas, Janice de Belen, John Arcilla, Joel Torre, Epi Quizon, Angel Aquino at ng mga younger stars na sina Christian Bables, Jennica Garcia, Elisse Joson, Xyriel Manabat, ng tambalang Seth Fedelin at Francine Diaz at marami pang iba.


Kaya sa ginanap na finale mediacon nu'ng Miyerkules nang hapon, parang nanalo ng Best Actress award si Janine habang isa-isang pinasasalamatan ang mga artistang nakasama sa serye, maging ang kanyang mga direktor na sina Andoy Ranay at Onat Diaz at lahat ng production staff na bumubuo sa series.


Natatawa na lang ang cast ng Dirty Linen sa sobrang hyper ni Janine, but siguro, sobrang nagmarka lang talaga sa kanya ang seryeng ito at ang naging bonding nila ng mga co-stars niya kaya ganu'n na lang siya ka-hyper.


Sayang at umalis agad si Janine after ng Q&A dahil may flight pa raw itong hinahabol, kaya 'di na namin siya na-interview after ng finale mediacon ng Dirty Linen.


Ang kanyang leading man na si Zanjoe Marudo, pinagbigyan naman kami sa short interview when we told him na about sa Dirty Linen ang question namin.


We asked Zanjoe kung ano'ng lesson ang nai-impart sa buhay niya ng kuwento ng Dirty Linen for him to become a better man or person, especially family drama ito.


Nangiti si Zanjoe bago sumagot, "Dirty Linen? Ah, siguro, sa 17 yrs. ko na sa industriya, ah, marami, maraming lessons naman na natutunan. Every project naman, may lesson na natututunan. Siguro, sa personal, 'yung pagiging patience (sic), 'yung mga ethics."


Pero mahirap daw i-compare 'yung klase ng family niya rito sa Dirty Linen sa totoong buhay dahil magkaibang-magkaiba ang sitwasyon kaya 'di siya naka-relate.


Hindi pa naman daw ang Dirty Linen ang last serye ni Zanjoe pero pahinga muna siya after this. May gagawin daw muna siyang pelikula with Daniel Padilla na tungkol sa magkaibigan under Star Cinema at sa September na ang simula ng shooting.


So, kung may movie si Kathryn Bernardo with Ms. Dolly De Leon, meron din naman palang movie si Daniel na hindi ang ka-love team ang kasama, kaya it's a tie!


Anyway, sinubukan naming hingan si Zanjoe ng update tungkol sa relasyon nila ni Ria Atayde pero umiwas na ito at ayaw nang magpa-interview.


Oh, well, kung 'di pa handang magsalita si Zanjoe unlike Ria na kahit paano ay nagse-share tungkol sa kanilang relasyon, eh, di ibigay natin 'yun sa kanya.


Besides, sila na rin naman mismo ang naglalabas sa kani-kanilang socmed account ng mga ganap nila sa buhay, eh, di wait and see na lang tayo.


Meanwhile, inaabangan na ng mga manonood ang huling dalawang linggo ng sikat na Kapamilya teleseryeng Dirty Linen kung saan masasaksihan ang walang katapusang gantihan na mauuwi sa patayan ng dalawang pamilya nina Alexa (Janine Gutierrez) at Aidan (Zanjoe Marudo).


Tutukan ang laban ng mga nais makamit ang hustisya at ng mga sakim sa kapangyarihan sa huling dalawang linggo ng Dirty Linen sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page