top of page

Todo-displey sa socmed noon… HEART, TAMEME SA PAGSIPA KAY CHIZ BILANG SENATE PRES.

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 11
  • 2 min read

ni Nitz MIralles @Bida | September 11, 2025



Heart Evangelista / IG

Photo: Heart Evangelista / IG



Ilang araw na ring hindi nag-a-update sa kanyang Instagram (IG) si Heart Evangelista mula nang mapalitan sa pagka-Senate President ang mister niyang si Chiz Escudero, bagay na ikinalungkot ng kanyang mga fans. 


Kahit marami ang nagpahayag ng suporta, understanding at pagmamahal kay Heart, nananatili siyang tahimik sa social media.


May mga comments na, “Always at your back, Heart,” at pinayuhan siyang manatiling “Head up high and keep shining,” pero wala pa ring sagot ang aktres-fashion icon.


Marami rin ang nag-comment ng “We miss you,” at marami ang nag-post ng heart emojis, patunay na mahal nila si Heart at walang nabago sa suporta nila rito.


Malapit na ang Milan Fashion Week at susunod ang Paris Fashion Week. Umaasa ang mga fans ni Heart Evangelista na tuloy pa rin ang pagdalo niya sa dalawang fashion week gaya ng kanyang ibinalita a week ago. 


Alam daw nila na hindi pera ng asawang si Senator Chiz Escudero at lalong hindi pera ng bayan ang kanyang ginagastos sa mga biyahe niya.



“SALAMAT SA MGA KORUP NA PULITIKO AT DPWH, NAKAKAHIYA TAYO SA MATA NG MUNDO” - EDU



Ini-repost ni Edu Manzano ang balitang “South Korea stops P28.7 billion PH loan, citing risk of corruption”.


Comment ni Edu, “Salamat sa mga corrupt na pulitiko at ang DPWH. Nakakahiya tayo sa mata ng mundo.”


Nag-agree si Edu sa nag-suggest na mag-focus ang gobyerno na maibalik ang mga perang ninakaw ng mga buwaya. 


Sagot ni Edu, “Seize their assets and that of their families if their income cannot justify them.”


Sa nag-comment na dapat mag-enact ng tougher laws laban sa corruption, ang sagot ni Edu, “And jail the guilty,” na sinang-ayunan ng marami.


Sa isa pang post ni Edu, may hawak siyang buwaya at sabi, “Magandang hapon, Pilipinas. Meet my pet Bombardino Crocodillo.”


Ang taba ng buwaya at may korona pa, kaya lang, hindi namin matanto kung totoong buwaya ang hawak ni Edu Manzano. 


Ang importante, malakas ang dating nito sa mga netizens at sa mga comments, ramdam mong marami ang galit na tao.



OKEY lang daw kay Sarah Discaya ang panggagaya sa kanya ni Michael V., sagot ng lawyer ng mga Discaya na si Atty. Cornelio Samaniego III sa isang interview. 


Hindi raw totoong napikon si Sarah sa panggagaya sa kanya ni Bitoy.


Alam daw ni Sarah na ginagaya siya ni Bitoy at alam nitong ginagawa lang ng komedyante ang kanyang trabaho. 


Dagdag pa ng lawyer, idol pa nga raw ni Sarah si Bitoy at inirerespeto nito ang trabaho ng komedyante.


Baka nga manood pa si Sarah at ang asawa nitong si Curlee Discaya ng Bubble Gang (BG) sa Sunday na airing ang episode ng pag-impersonate ni Bitoy kay Sarah at makikilala siyang si Ciala Dismaya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page