Todo-displey sa IG… BIANCA, UMAMING BINIGYAN NA NG SINGSING NI RURU
ni Nitz Miralles - @Bida | October 28, 2022

Teaser nga sa upcoming project na The Write One ang identical caption nina Ruru Madrid at Bianca Umali sa kani-kanyang post na: “I found the right one.”
Sa year 2023 pa ang airing ng nasabing project at tungkol ito sa second chances, love at acceptance.
Ang GMA Public Affairs ang producer nito at balitang si King Marco Baco ang director.
Siya rin ang director ng Ilustrado, Katipunan at ang I Love You Stranger nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.
First time magtatambal sina Ruru at Bianca at pareho silang excited na makatrabaho ang isa’t isa.
“Naikukuwento niya lang sa 'kin kung papaano siya mag-work but this time, makikita ko,” ayon kay Ruru.
Samantala, ipinaliwanag ni Bianca ang story ng suot niyang singsing sa kanyang post na may mga nang-okray lalo na at may mga nag-akalang engagement ring ito.
“'Yung pinakababa, ‘yung may diamond tear-shape, it’s a ring that really came from Ruru.
The second one, makikita n’yo ‘yung rings na may sapphires, ‘yung blue diamond, that was the ring that I got for myself last year. Ang gintong singsing na may maliit na brilyante ay engagement ring ng nanay ko noon. 'Yun ‘yung nagsi-symbolize ng hope para sa 'kin na she’s with me.”
Sunud-sunod ang projects ng magdyowa dahil si Ruru, may Book 2 ng Lolong at si Bianca, gagawin din ang Sanggre.





Comments