top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Todo-displey pa sa socmed… KATHRYN, 27-ANYOS NA RAW KAYA MAY 'K' NANG MAGWALWAL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 1, 2024
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 1, 2024



Maraming netizens at mga kababayan natin ang nag-react sa kumalat na pictures at videos ni Kathryn Bernardo kung saan makikitang todo-enjoy siyang umiinom kasama ang mga kaibigan habang sila ay nasa yate.


Dahil nga ru'n, may mga tumawag kay Kathryn na 'Walwal Queen' o 'yung tipong grabe na ang pag-inom at palagian na. 


May mga fans ni Kathryn ang nasaktan nang akusahan siyang Walwal Queen. Paminsan-minsan lang naman daw kung mag-"shot puno" ang ex-GF ni Daniel Padilla at sa edad nitong 27, nasa legal na para siya ay uminom.


Pero nasanay nga kasi ang lahat na makitang wholesome at disente ang image ni Kathryn. Kaya nga nu'ng unang pumutok ang pagbe-vape niya, marami na rin ang nag-react at ang iba'y nagsabi pang na-turn-off sila sa kanilang idolo.


Okay lang naman daw kung maglibang at mag-happy-happy si Kath with some friends, pero 'yung makita pang may hawak siyang bote ng alak at umiinom ang 'di nagustuhan ng marami. 


Parang sobra naman daw ang mga ginagawang pagbabago ngayon ni Kathryn sa sarili mula nang maghiwalay sila ni Daniel Padilla. 


Hitsurang babaeng nakawala sa hawla ang peg ngayon ni Kathryn na sinusubukan ang lahat dahil wala nang Daniel na nagbabawal sa kanya. 


Pero para nga sa amin, kahit pa sabihing 27-anyos na si Kathryn, hindi pa rin magandang makita siya in public na umiinom o nagyoyosi. 


Nakilala kasi siya ng publiko sa kanyang sweet and wholesome image. Naging idolo siya ng mga kabataan. Natural lang na ma-shocked ang marami nang makita siyang naglalasing.


Example nga namin dito ay ang isang respetado at wholesome na Movie Queen na aming hinahangaan noon pa. Kailanman ay hindi siya nakita ng publiko na naninigarilyo at umiinom ng alak.


Pero, off-cam at in real life ay nagyoyosi siya at umiinom ng beer — straight from the bottle!


Ganunpaman, hindi nagbago ang paghanga namin sa nasabing Movie Queen. Alam kasi niyang alagaan ang kanyang image sa publiko. 


Ganoon dapat ang maging attitude ni Kathryn Bernardo, dapat niyang ikonsidera ang mga fans na umiidolo sa kanya. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page