Todo-displey, nilait… HEART SA NETIZEN: DAPAT BANG TANGGALIN KO ANG BOOBS KO?
ni Nitz Miralles - @Bida | July 21, 2022

Ang boobs naman ni Heart Evangelista ang pinuntirya ng isang basher pagkatapos punahin ang kanyang lips at kung anu-anong nakikita at napapansin sa kanya. Ang kaibahan, sumasagot na si Heart ngayon.
Sa nag-comment sa Twitter ng “It’s all about the boobs for Heart nowadays” na ang pinagbasehan ay ang photo ni Heart kasama si Brandon Boyd at ibinalita ang collaboration ng dalawa, sagot ni Heart, “Men and women have boobs. Should I remove mine? You tell me:) since you are very logical:) labo mo 'tol.”
Sa nagpayo kay Heart na i-ignore ang stupid people, ang sabi niya, “Don’t worry I was just having fun.”
Ngayon pa ba magpapaapekto si Heart sa mga bashers? Lalo’t sa lumabas na report ng Launchmetrics, number three siya sa celebrities and influencers na dumalo sa Paris Couture Week generating $1.4M in Media Impact Value.





Comments