top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Todo-displey ng sarap-buhay sa gitna ng krisis… BELA, BINANATAN ANG MGA NEPO BABIES

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 21
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | April 21, 2026



BIDA - BELA, BINANATAN ANG MGA NEPO BABIES-IG _bela

Photo: IG @bela



Pinuri ni Bela Padilla ang private citizens na namili ng mga produkto ng Benguet farmers para matulungan ang mga ito sa mataas na presyo ng gasolina at para hindi masayang ang mga gulay na itinatapon na lang dahil hindi maibiyahe sa Manila.


Kasunod nito, may panawagan si Bela sa mga ‘nepo babies’ na tulungan ang mga farmers na pinahihirapan sa taas ng gasolina.


Aniya, “Private citizens are buying the Benguet farmers’ produce and are giving them away for free today, so they won’t go to waste.”


Kasunod nito, nag-call out si Bela sa mga nepo babies. 


Aniya, “‘Yung mga nepo babies that were posting their travel itineraries and shopping hauls, ‘yan, oh. Magandang idea para makabawas sa guilt ninyo. Might help your PTSD (Post-Traumatic Stress Disorder) and depression if you start doing something good kesa magtago kayo or mag-post sa Insta (Instagram) ninyo.”


Marami ang nag-agree sa post na ito ni Bela Padilla. Tama raw ang panawagan ng aktres para makatulong sa mga nahihirapang maka-survive. 


In fairness, consistent ang aktres sa panawagang mga kagaya nito para makatulong sa kulang ang kinikita.





ANG lakas maka-first family ng photo nina Kris Aquino, mga anak na sina Josh at Bimby Aquino, kasama si Gideon Peña. May nag-comment pa nga na picture ng happy family ang dating sa kanila ng larawan ng apat lalo na at pare-pareho silang nakangiti.

Parang kuha sa birthday lunch o dinner ang photo nina Kris dahil sa caption na: “Happy birthday, Bimb.” 


Dahil dito, bumalik ang panunukso kina Kris at Atty. Gideon. Bagay daw sila kahit nilinaw na ng dalawa na friends lang sila.


Sa mga comments, marami ang natuwa to see Atty. Gideon with Kris and her sons dahil ang tagal na raw siyang hindi nakikita kasama sina Kris. 


Pinuna rin na ang saya ng aura ng apat at marami ang natuwa to see Kris who is looking good. Wish ng lahat na magpatuloy ang paggaling ni Kris para makabalik na siya sa pagho-host.





In an earlier post, nabanggit ni Kris na, “We’re eating out (only my 2nd time since coming home) with a very close family.” 


So, ito na ‘yun, kasama si Atty. Gideon sa very close family nina Kris.

Umaasa ang mga fans na kasama sa birthday treat for Bimb ang girlfriend nito na ini-reveal na ni Kris, minus the face and the name. 


Samantala, ‘kaaliw ang mga fans sa paghula kung sino ang GF ni Bimb. May nagsabing baka si Scarlet Kramer, pero marami ang nagsabing baka si Cassandra Ynares na kung matatandaan, na-link na kay Bimb before. Siya na kaya ang girlfriend ni Bimb?


Anyway, naintriga ang mga netizens sa post pa ni Atty. Gideon na “Soon” at “Thank you for saying yes to iCare @yestoicare.” 


Health care plans ito. Ibig kayang sabihin, kinuhang ambassador si Kris Aquino ng iCare?





MEANT to be maging endorser si Alden Richards ng Fruitas Holdings, Inc. dahil sa kuwento nito, hindi pa siya endorser ng fruit drink ay bumibili na siya nito. 

Favorite niya ang mango at melon flavors at buko juice naman ang binibili ng family niya sa Laguna. 


Kaya laking-tuwa niya nang kunin siyang new endorser ng Fruitas dahil hindi na bago sa kanya ang fruit drink.


Si Alden ang sumunod kina Sarah Geronimo at Isko Moreno na endorser ng Fruitas na ipinagmamalaki ng CEO nitong si Lester Yu. Nagbiro pa si Mr. Yu na kung gustong maging kamukha ni Alden, laging mag-Fruitas at mag-e-enjoy ang mga consumers dahil may mga bagong flavor na in-introduce.





Nabanggit din ni Alden sa launching ng ‘Fruitas For Real’ campaign na involved siya sa campaign ng bago niyang endorsement. 


“I’m also open to offer my knowledge. Gusto kong tumulong para mas buo ang paglatag ng brand. May alam tayo sa market,” sabi nito.


Masaya si Mr. Yu sa launching kay Alden dahil sinuportahan ng mga fans nito at tiyak na susuportahan din ang Fruitas. Nag-trending ang launching kaya malaki ang posibilidad na ma-extend ang one-year contract ng aktor bilang endorser.


At speaking of Alden, inilunsad nito at ng kanyang AR Foundation ang “Hero For All: Honoring Stories of the Everyday Filipinos.” Ang layunin nito ay maghanap at kilalanin ang 20 ordinaryong Pilipino na may malasakit at kontribusyon sa kanilang komunidad sa pakikipagtulungan sa Casino Plus. 


Tatanggap ng P1 milyon ang bawat mapipili na hahatiin with their personal cause and partner community organization na kanilang mapipili.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page