Todo-displey daw ng katawan para pagnasaan… JASMINE KAY ATTY. TOPACIO: DUGYOT KA!
- BULGAR

- Mar 7
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 7, 2026

Photo: Atty. Topacio at Jasmine Curtis-Smith - Instagram
Niresbakan ni Jasmine Curtis-Smith ang film producer/celebrity lawyer na si Atty. Ferdinand Topacio sa mga naging pahayag nito hinggil sa issue ng kanyang ateng si Anne Curtis at ni Quezon City Rep. Bong Suntay.
Sa programang Yes… Yes… Yo! Topacio ng DWIZ last Thursday ay sinabi niyang hindi raw kasalanan ang pag-iisip ng masama sa isang babae.
“Kahit anong sama ng iniisip mo, may nakita kang babae, gusto mong gahasain, gusto mong halayin, gusto mong daklutin, harapan na, hindi kasalanan ‘yun,” pahayag ni Atty. Topacio.
Kasunod nito ay binanggit na niya si Jasmine sa pagre-react nito sa sinabi ni Suntay.
“‘Yung kapatid, bumanat pa, si Jasmine Curtis, parang binabastos daw ‘yung kapatid niya, hindi raw tama,” aniya.
Paninita ni Atty. Topacio sa kapatid ni Anne, “Ikaw Jasmine, bakit ka nagpo-post ng mga bikini pictures mo sa social media, sa mga pahayagan? Hindi ba para ika’y pagnasaan? Para ikaw ay sumikat. Huwag mong sabihing art ‘yun. ‘Wag mo sabihing ineendorso mo ‘yung brand nu’ng bikini o ‘yung resort.”
Hirit pa niya, “Hindi kami mga ungas dito para maniwala sa ‘yo.”
Hindi ito pinalampas ni Jasmine at binembang niya rin si Atty. Topacio. Sa kanyang Instagram Story, ibinahagi niya ang clip ng pahayag ng abogado at sa kanyang caption ay tinawag niya itong ‘dugyot.’
“YOWWWWW WHAT THE ACTUAL?????? WHAT THE!!!! DUGYOT KA!” ang mababasa sa caption ni Jasmine na halatang gigil na gigil.
Ano naman kaya ang reaksiyon ni Atty. Topacio sa sinabing ito ni Jasmine?
PATOK sa mga fans ang unang pasilip na behind-the-scenes ng bagong awrahan nina Coco Martin at Julia Montes para sa inaabangan nilang Kapamilya primetime teleseryeng Sigabo na mapapanood na ngayong Marso 16 (Lunes).
Umani ng positibong reaksiyon mula sa mga netizens ang “first look” ng pictorial tampok ang astig na pormahan ng CocoJul na parehong nakasuot ng leather jacket, may hawak na mga baril, at abo-langit ang mga ngiti.
Ginulat din ni Coco ang mga fans sa kanyang bagong look na long hair, habang palaban din si Julia na nakasakay ng sports car.
Needless to say, sobrang excited na ang CocoJuls fans sa airing ng Sigabo lalo pa nga’t reunion series ito ng kanilang idolo.





Comments