top of page
Search
  • BULGAR

Todo-deny pa, Andrea… RICCI AT LEREN, BUKING NA MAGKASAMANG NAGDYA-JOGGING

ni Beth Gelena @Bulgary Files | August 19, 2023



Tinawag ng netizen na may username na @notursweetcandy sa Twitter na ‘apologist couple’ itong sina Ricci Rivero at Los Baños Councilor Leren Mae Bautista.


At ang inilagay ngang caption ng naturang netizen: “The apologist couple na todo kung mag-deny, Ricci Rivero at Leren Mae Bautista, spotted!”


Nakunan kasi niya ng larawan na magkasama ang dalawa sa isang variety store sa mall. Hindi lang ‘yun, spotted din sina Ricci at Leren na palakad-lakad sa UPLB Freedom Park sa Los Baños, Laguna nitong linggo lang.


Tila magkasama ngang nag-jogging ang dalawa base na rin sa kanilang matching black sporty outfit.


Narito ang samu’t saring komento ng mga netizens sa mga kumalat na pictures nina Ricci at Leren sa socmed…


“Isa pa ‘tong Leren, olats din pumili.”


“‘Pag nakikita ko si guy, parang may naaamoy akong mabaho, hahahaha! Naalala ko kasi na ‘di ‘yan nagpalaba sa loob ng isang taon. Jusko!”


“‘Di rin maalis sa isip ko ‘yan at kapag nakikita ko siya, iniisip ko kung ano’ng amoy niya. Lol.”


“Hayaan n’yo na sila, as if naman gaganda ang ekonomiya ‘pag naging sila o hindi. Saka, sino bang niloko nila, ‘di ba, sarili rin nila?”


“Time is the ultimate truth teller, hehe!”


“May official statement kaya soon? With a seal from some government office? Choz!”


“True talaga! Pahugas-hugas pa ng kamay ‘tong si Rivero, eh, hahahaha!”


“Jologs na jologs pumorma si kuya, ah?! Hahahaha! Isang kilong gigintuin ang nakasabit sa leeg.


Parang OFW nu’ng 80’s na galing Saudi. Jejejeje!”


“Naku! Ayan na nga, unti-unti na silang lumalantad!”


“Sus! Todo-deny pa before, pero true naman pala.”


“Napaka-showbiz talaga ng pa-deny-deny, pero totoo naman pala. Sows!”


“Photo you can smell.”


“Baduy talaga ng magdyowa.”


“May shortage na talaga ng mga matitinong lalaki.”


“Oh, well, enjoy your last term, Leren.”


“Isa na naman pong couple ang nagpatunay na tama si Bea (Alonzo).”


“Very mag-ate ang peg, hehehe!”


“Let them explore their own ‘dirty laundry’. LOL! ‘Di naman galit ‘yung mga Marites sa relasyon nila, mas galit pa sila kay boy and ‘yung mga hanash niya. The audacity kasi, lol.”



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page