top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Todo-deny na third party sa breakup nila ni Daniel…KATHRYN, BILIB SA TAPANG NI GILLIAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 3, 2023
2 min read

Updated: Dec 4, 2023

ni Ambet Nabus @Let's See | December 3, 2023





Hinangaan naman ni Kathryn Bernardo ang tapang at determinasyon ni Gillian Vicencio dahil sa mabilis nitong pagdepensa sa sarili kaugnay ng mga tsismis na ito umano ang isa sa mga dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Daniel Padilla.


Sey ni Kath sa ginawang pag-deny ni Gillian at pagpapaliwanag na huwag siyang idawit sa isyu, "I really admired Gillian Vicencio @gasvicencio, for being such a brave person. Thank Jhai for being such a protective person to Gillian. Now alam nating wala talaga siyang kinalaman sa mga nangyayari."


Ang Jhai na tinutukoy ni Kath ay si DJ Jhai Ho, kaibigani nila ni Gillian at dati po naming nakasama sa Marites University.


Nu'n ngang maging bisita namin si Gillian sa MU ay isa na ang isyu with Daniel sa mga kinlaro nito at ipinaliwanag kaya't kahit si DJ Jhai Ho ay nagugulat kung bakit pa ito nauulit. Kaya naman, to the rescue siya sa kaibigan.




Nangangamoy-Best Actor ang ating Papa Piolo Pascual dahil sa very powerful, uncanny and grabeng kakaiba niyang performance sa Mallari.


Entry ito ng Mentorque Productions sa MMFF at kuwento nga ito ng kauna-unahang paring naging serial killer sa Pilipinas na nangyari noon pang taong 1200.


Siyempre, maraming mga challenges ang movie lalo na sa historical data and facts nito kaya't nag-decide ang writer, director at producer nitong gawing tatlong timelines (from 1200 to 2023) ang interpretation nila sa material about Fr. Juan Severino Mallari na nag-exist naman talaga (from Pampanga) bilang totoong tao.


Full trailer pa lang ang ipinasilip sa amin during its grand mediacon, pero may kakaiba nang sinasabi ang movie.


Ang intense ni Papa P., matatakot ka talaga at baka nga isumpa ninyo siya base pa lang sa mga pinaggagawa niyang katatakutan, hahahaha!


Nakaka-excite itong panoorin. Ang personal nga po naming verdict ay pasok na pasok ito sa aming Top 3 MMFF entries na uunahin namin on the first day of the festival at uulitin uli kapag keri pa ng budget, hahaha!


Kasama ni Papa Piolo sina Gloria Diaz, Janella Salvador, JC Santos at Ronnie Angeles, sa panulat ni Enrico Santos at direksiyon ni Roderick Cabrido.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page