Todo-deny na retokada pero… SHARON, NAGPA-SALAMAT PO, DOK KAYA BUMATA
ni Nitz Miralles - @Bida |February 22, 2022

Makikita ng mga taga-Tarlac City kung gaano kapayat si Sharon Cuneta ngayon dahil sasama siya kay VP Leni Robredo at asawang si Sen. Kiko Pangilinan sa kanilang kampanya.
Ipinost ni Sharon sa Instagram kung ano'ng oras at kung saan sila makikita, kaya expect na susugod ang maraming tao. May meet and greet pa kina VP Leni at Kiko after at baka kasama rin si Sharon.
Marami ang pumuri sa pagpayat ni Sharon o pagnipis ng kanyang katawan. Marami siyang na-inspire na magpapapayat na rin daw para ma-achieve ang nipis ng katawan ni Sharon. At 56 years old, ang bata ng hitsura ni Sharon.
Sa mga nagtatanong naman kung nagparetoke siya, heto ang sagot ni Sharon, “Opo, walang retoke! 'Di n'yo ba nakikita lines ko sa #fpjangprobinsyano?! Kainis nga, eh! Pero thank you Mommy and Daddy for the genes! At si @draivee din, mamamatay ako kung wala ang maintenance niya!”





Comments