Todo-deny na buntis kay Aljur… CRISTY FERMIN KAY AJ: MAGPA-INTERVIEW KA NANG LIVE!
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | July 22, 2022

Follow-up ito sa isinulat namin dito sa BULGAR na buntis ang Vivamax star na si AJ Raval base sa ibinalita ni Nanay Cristy Fermin sa kanyang radio program na Cristy Ferminute Radyo5 92.3 News FM kasama si Romel Chika at sa YouTube channel na Showbiz Now Na kasama ulit si Romel at si Morly Alinio nitong Martes.
Matinding pinabulaanan ni AJ na nagdadalantao siya sa panayam niya kay Frontline Pilipinas showbiz reporter MJ Marfori nu'ng Miyerkules nang gabi.
Naunang nabalitang magkarelasyon sina AJ at Aljur Abrenica noong Hulyo, 2021 at pinabulaanan ito ng sexy star kahit na nakikita silang magkasama sa iba’t ibang okasyon bukod pa sa pagmo-malling.
Pero tanda namin na nu'ng huling nakatsikahan namin si AJ sa Wing Zone Restaurant pagkatapos ng private screening ng Kaliwaan sa Gateway noong Abril 27 na umamin siyang nagsimulang manligaw sa kanya si Aljur nu'ng July, 2021 at nasa getting to know stage pa rin sila dahil talagang umaakyat sa bahay nila ang aktor.
At July, 2022 na ngayon kaya isang taon nang close sina AJ at Aljur.
Ipinakita sa video report ng Frontline Pilipinas ang mga pahayag ni ‘Nay Cristy sa SNN na kaya huminto sa shooting si AJ ay dahil nga sa kalagayan nito ngayon.
Ayon kay MJ ay itinanggi raw ni AJ na buntis siya at kaya nahinto ang shooting o hindi natapos ang project niya sa Viva Films ay dahil nag-positive siya sa COVID-19 tulad ng ibang kasamahan niyang artista sa set.
Walang ipinakitang video interview ni MJ kay AJ at ito ‘yung hamon ni 'Nay Cristy na kung talagang hindi siya buntis ay dapat magpa-interview siya nang live o naka-video.
Anyway, nananatiling bukas ang BULGAR sa panig nina AJ at Aljur o ng kampo nila.





Comments