top of page

Todo-deny na bigay ng sikat na personality… IVANA, IPINAGSIGAWANG KAYANG KUMITA NG P10 M SA ILANG ORAS LANG, NAKABILI NG P400 M MANSION

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 4
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Jan. 4, 2025



Photo: Ivana Alawi - YT


Sa pagsisimula ng taong 2025 ay isa agad sa mainit na pinag-uusapan si Ivana Alawi na binigyan daw ng mansion ng isang kilalang personalidad.


Diumano, ang mansion ay nagkakahalaga ng P400 million located in Alabang at nasa pangalan na raw ni Ivana ang titulo nito.


Marami naman ang nagulat sa tsika, lalo nga ang mga fans ng aktres-content creator na naniniwalang hindi kailangan ng kanilang idolo na may magregalo ng mansion dahil kayang-kaya naman daw nito na bumili sa dami ng pera nito.


Pagtatanggol nila, isa si Ivana sa mga top YouTubers sa Pilipinas na kumikita ng milyun-milyon kada buwan. Top 4 din ang channel niya at sa 18.5 million subscribers, puwedeng-puwede na nga raw itong kumandidato sa pagka-senador.


Tandang-tanda rin ng mga followers ang sinabi ni Ivana noong 2023 na kumikita siya ng isang milyong piso sa isang araw, at hindi raw pera ang dahilan kung bakit siya nagba-vlog.


Pagdedepensa pa ng mga supporters ni Ivana, nagbabayad din ng tamang buwis ang aktres.


“Pero guys, nagbabayad ako ng tax, ‘di ko lang gusto i-disclose kasi baka sabihin, ‘Ay, nagyayabang.’ Hindi, pero dahil tinatanong n’yo nang tinatanong, ‘yan,” sey pa ni Ivana.


Minsan na ring nasabi ng aktres na kumita siya ng mahigit P10 million sa loob lamang ng ilang oras ng pagla-live selling. In fact, nag-viral pa ‘yun sa social media.


Sa isang panayam din kamakailan sa naganap na TikTok Summit, nabanggit ni Ivana na halos dalawang taon na siya sa live selling.


“I’ve been doing live streams for more than a year. Siguro, two years. I’m not sure pero mga ganu’n,” ani Ivana.


Naubusan nga lang daw sila ng stocks pero kung hindi, mahigit pa raw sa “eight digits” sana ang kinita niya sa live selling. Yes, stocks ang nauubos sa kanila at hindi online buyers.


Naibahagi na rin minsan ni Ivana na ang kinikita niya sa TikTok ay napupunta sa kanyang pamilya at ang kita naman niya sa pag-aartista at sa pagyu-YouTube ay inilalagay niya sa mga properties and investments.


Kaya naman naniniwala ang marami na si Ivana Alawi na ang isa sa pinaka-rich vloggers sa Pilipinas at hindi na kailangan pa ng taong magreregalo sa kanya ng mga materyal na bagay tulad nga ng sinasabing bagong mansion nito.


Well, oo nga naman. Agree naman din kami.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page