top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Todo-deny na balik-bisyo… IBINUKING NI DIREK BRILLANTE: BARON, UMIINOM SA SHOOTING

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 1, 2023
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | November 1, 2023



Masayang ipinagdiwang ng international multi-awarded director na si Brillante Mendoza ang kanyang kaarawan sa bonggacious event’s place ng kanyang production company, ang Centerstage, last Monday, October 30.


Actually, ang biological birthday ni Direk Brillante ay noong July 30 which is ‘yun naman talaga ang ginagamit niya sa kanyang passports at iba pa niyang dokumento.


Only to find out later na ‘di pala July 30 ang nakalagay sa kanyang birth certificate kundi October 30.


Nalaman niya ito nu’ng mawala ang kanyang passport habang nasa ibang bansa.


Para makuha ulit ang kanyang passport, ipinahanap niya ang kanyang birth certificate at doon niya natuklasan na October 30 ang nakalagay. Kaya ‘yun na ang date na isine-celebrate niya for his birthday.


Special request ni Direk Brillante sa kanyang media friends na ‘wag siyang interbyuhin sa kanyang birthday party.


But knowing us, ‘di kami papayag na palampasin ang pagkakataong makausap si Direk Brillante that night. Kakapilit-kakapilit, pumayag na rin siyang magpainterbyu.


And so we asked him first sa pelikulang isinubmit niya for Metro Manila Filmfest 2023, ang Moro na pinagbibidahan nina Baron Geisler, Piolo Pascual, Christopher de Leon and Laurice Guillen.


Sadly, ‘di napasama ang Moro sa 10 official entries ng 2023 MMFF. But Direk Brillante understands it fully well.


Ang “atat” daw na malaman at gustong makapasok sa 2023 MMFF ay si Baron. Panay daw ang tawag sa kanya nito kung kumusta ang movie nila.


Kaya naman pala, ini-reveal ni Direk Brillante na si Baron ang bida sa movie.


“Magaling si Baron,” sabi sa amin ni Direk Brillante.


And speaking of Baron, inusisa na rin namin kay Direk Brillante kung kumusta ang bida niya sa Moro. May intriga kasi kay Baron na bumalik daw ulit ito sa kanyang bisyong pag-inom.


Tinanong namin si Direk Brillante kung sa set ng Moro ay umiinom din si Baron.


“Umiinom,” sabay tawa ni Direk Brillante.


Okey naman sa kanya?


“Hindi,” sagot niya. “Pinagsabihan ko siya. Pero (after that) ‘di na niya inulit.”


Once lang daw niya sinita si Baron and after that, ‘di na raw umulit.


“Pero ‘di naman siya nagdamdam sa akin. Okey naman kami ni Baron ever since.


“Kasi ako lang ang puwedeng magsabi sa kanya na parang, ‘Hoy, tumigil ka na. Kapag ako mainis sa ‘yo.’ Ginaganoon ko siya.


“Puwede ko siyang ganu’nin, eh. Ang tawag niya sa akin, tatay, eh,” pahayag ni Direk Brillante.


Kapag nagagalit daw kasi siya kay Baron, hindi siya nagagalit as director kundi parang tatay.


“Kasi, dito pa ‘yan natutulog. ‘Pag nagsu-shooting kami, sabi ko sa kanya, para hindi siya ma-late, sasabihin niyan sa akin, ‘Direk, sa Megamall na lang ako matutulog. Para sigurado ako na ‘di ma-late bukas.’ Sabi ko, ‘Oh, sige.’


“Tapos, nu’ng isinu-shoot namin ‘yun, based kasi siya sa Cebu, eh. ‘Di ba, meron siyang ongoing rehab noon? Pero pumayag sila sa amin. Pinalabas (nila si Baron), kaya kinuha namin siya ng hotel doon (sa Cebu). Tapos, there are times na dito na siya natutulog (Centerstage Productions office).”


Natigil ang pagpapa-rehab ni Baron dahil sa shooting ng Moro.


Lastly, nakunan din namin ng reaksiyon si Direk Brillante sa sampung pelikula na nakapasok sa MMFF this year.


“Ako, honestly, ang wish ko lang talaga, kumita ang mga films. Ang wish ko talaga, bumalik ang mga tao sa sinehan,” dasal pa niya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page