Todo-bonding na… GERALD, BINIGYAN NG B-DAY PARTY NG FAMILY NI JULIA

ni Nitz Miralles - @Bida | March 9, 2021

Birthday ni Julia Barretto bukas, March 10, at 23 years old na siya. Thirty-second birthday naman ni Gerald Anderson noong March 7, kaya ‘yung birthday party na ibinigay daw ng family ni Julia kay Gerald ay joint birthday celebration na rin siguro ng couple.
Pinagtatalunan ng mga netizens kung saang backyard garden ginawa ang party, kung sa bahay ba ni Marjorie Barretto sa Quezon City o sa private resort ni Gerald sa Zambales. In the days to come, malalaman natin ang venue ng joint birthday party nina Gerald at Julia dahil tiyak na may maglalabas ng video o photos.
Dumating sa birthday party nina Gerald at Julia si Piolo Pascual. ‘Yung ibang bisita, hindi masyadong nakilala sa bilis ng nai-post na video at blurred ang ibang photos.
Ang inaabangan ng mga shippers nina Gerald at Julia ay makitang may photos si Julia at ang family ni Gerald, especially the actor’s mom na very close sa kanya at pinapakinggan daw ng aktor ang opinion sa lahat ng bagay kasama ang kanyang love life.
Kaya lang, ano kaya ang reaction ni Gerald na ‘yung brother niyang si Ken Anderson, ni-like ang post ni Bea tungkol sa “Time as the Ultimate Truth Teller!” Hindi na lang namin mahanap ang pangalan ni Ken sa dami ng nag-like.
Anyway, ang sabi, marami ang kontra sa relasyon nina Gerald at Julia, pero bakit sa ipinost na photo ni Julia na binati niya ng happy birthday ang boyfriend habang kini-kiss siya, may 593,550 likes na at 84,349 comments?





Comments