top of page
Search
  • BULGAR

Todo-bati sa bagong pangulo… AI AI, EXCITED NA SA PAGBABALIK NI BBM SA M'CAÑANG

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 11, 2022



Sa kampo naman ni BBM, isa sa mga nagpahatid ng pagbati ay ang supporter at inaanak niyang si Toni Gonzaga.


“President @bongbongmarcos, Congrats Ninong Bong. . .” ang post ni Toni sa kanyang IG Story.


Nagpahatid na rin ng pag-congratulate si Ai Ai delas Alas kay BBM at sa ka-tandem nitong si Davao Mayor Sara Duterte na nangunguna rin sa bilangan sa pagka-bise-presidente.


Sa kanyang post ay nanawagan si Ai Ai ng pagkakaisa at looking forward na siya sa muling pagbabalik ni BBM sa Malacañang.


“Tayo’y magkaisa,” ang saad ni Ai Ai sa kanyang art card na ipinost.


“Congratulations sa ating bagong bise-presidente ng Republika ng Pilipinas VP INDAY SARA DUTERTE (at salamat din po sa inyong ama na si PP RODRIGO ROA DUTERTE.. isa sa magagaling na presidente ng ating bansa. Salamat po sa mga nagawa n'yo para sa 'ming mga Pilipino, lalo na sa mga OFWs natin... ) at siyempre pa, ang bagong presidente ng Republika ng Pilipinas, MR. PRESIDENT FERDINAND "Bongbong" MARCOS, JR..


“Nararamdaman ko na ang pagpapatuloy ninyo ng isang bagong PILIPINAS. Makakatikim na ang ating kababayan ng mga naranasan namin noong bata pa ako… nutriban, klim, love bus, Masagana 99, Kadiwa (mga murang bilihin na pagkain), bliss (pabahay na disente) Folk Arts, PICC, film center, HEART CENTER, kung saan parating naoospital ang nanay ko at konti lang ang binabayaran namin, Lung Center, Kidney Center, Bataan Powerplant, mga disiplinadong Pilipino 'pag may curfew. 'Pag wala ka sa bahay ng 12 (midnight), 'pag nahuli ka ng Metrocom, dadalhin ka sa Camp Crame magbubunot ka ng damo, hehe). Party pa more! Sige, hehe.


“At sana ma-experience rin sa NCR ang windmill, Mr. President. At napakarami pa sana, pero hindi pa huli ang lahat, heto na ang umagang kay ganda,” pahayag ni Ai Ai.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page