Todo-bantay sa anak… MARIAN, PINAGTE-TRAINING NG GYMNASTICS SI ZIA KAY HIDILYN
ni Nitz Miralles - @Bida | July 15, 2022

Hands-on mom talaga si Marian Rivera sa mga anak na sina Zia at Sixto Dantes dahil kapag walang taping ng Jose & Maria’s Bonggang Villa at Tadhana, personal niyang inaasikaso ang mga anak.
Gaya na lang sa gymnastics class ni Zia, sinamahan ni Marian ang anak at doon sila nagkita ni Hidilyn Diaz na kundi owner ng gymnast studio ay nagtuturo ng gymnastics.
Pinuri rin ni Hidilyn si Zia na magaling daw sa training at pati si Marian dahil in-enroll si Zia sa gymnastics class.
Ipinost ni Hidilyn ang photo nila ni Zia at larawan nila ni Marian at nabanggit na nahiya pa siyang magpa-picture sa aktres.
“Nahihiya akong magpa-picture kay Idol! Siyempre, Marian 'yan! Mabait and sweet pala in person, hands-on and supportive siya kay Zia. Kudos to Marian,” caption ni Hidilyn sa photo nila ni Marian.
Naalala namin, si Marian din ang sumasama sa soccer practice ni Sixto kahit maaga siyang gumigising. Enjoy talaga sa pagiging nanay si Marian.





Comments