Todo-banat kina Vice at Coco… RENDON, NA-MASS REPORTING, BANNED NA SA FB
- BULGAR
- Sep 9, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | September 9, 2023

“Tatak na talaga ni meme Vice Ganda ang pagkakaroon ng maliksi at matalas na pag-iisip.
Bongga kasi ang pasaring (if that’s the right term) ni Vice sa naging aksiyon ng Facebook sa social media account ng paandar na si Rendon Labador, ang vlogger na self-proclaimed “star”.

“Nakapag-mass reporting na ba ang lahat?” ang tila panunukso ni Vice matapos ngang kumalat ang balitang banned na o tuluyan nang nawala ang Facebook account ng iskandalosong vlogger na lahat na lang yata ay pinatulan.
Meron pa nga kaming nabasa na diumano’y sinisisi nito ang mga supporters nina Vice at Coco Martin, bilang mga promoters daw ng nangyaring mass reporting sa kanyang account.
Kami naman ay tuwang-tuwa rin at pumabor sa naging aksiyon ng Facebook. Needless to explain, hahahaha!





Comments